Chapter 3:classmate

0 0 0
                                    

Tirik na tirik na yung araw ng magising ako. Ng lumabas ako para kumain, nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v habang yung dalawang kapatid ko ay naglalaro. Tiningnan ko si mama at nakatingin rin siya sa amin kaso nakakunot yung noo niya at tumataas yung isa niyang kilay.. Anong problema niya? Weird!

"saan ka galing kagabi? At ganyan ka ka-puyat? "  tanong sakin ni mama na ganun parin yung mukha at posisyon.

" Hindi naman po ako umalis ah" nakakunot na rin yung noo ko

"naninigurado lang,baka kung ano na yang mga pinag gagawa mo sa labas! "

Hindi nalang ako sumagot at pumasok na sa kusina namin. Binuksan ko yung plato namay takip at nakita ko run ang ulam namin... Ampalaya.. Palagi namang ganyan yung ulam namin eh. Ewan ko kung bakit hindi sila nag sasawa diyan.. Ako kasi nagsasawa na! Ang bitter na tuloy ni mama kasi yan yung palagi niyang sinasabi..

Kumain na ako at nanood ng palabas...

"nga pala mamaya Amie, pupunta tayo sa mall, bibili lang tayo ng gagamitin niyo sa skwela.. "sabi ni mama.. Habang nanonood ng palabas..

Actually malapit na yung pasukan..mga two weeks from now yun.. Masaya ako kasi malapit ko nang makita yung mga kaibigan ko at malungkot rin dahil sa mga paniguradong activities na bubungad sakin sa school... Public lang yung pinapasukan kong school,wala kaming pera pambayad sa private.mahal dun! Yun skwelahan namin dito? Simple lang,malaki naman pero mas malaki yung private school..

------------------
------

Pasukan na pala ngayon kaya maaga akong naghanda ng makakain..yung mga kapatid ko bihis na bihis na pati rin ako..  Seven-thirty kasi magsisimula yung klase rito kaya maaga talaga kaming gumigising..

Pumara na kami ng tricycle ng aking mga kapatid...nakita ko sa di kalayuan si Arnold na nakauniform...siya yung inaasar ako palagi,nalaman kong siya pa la yung batang lalaki noon,back in our elementary days na palagi akong inaasar na mataray at asar ko naman sakanya unggoy..nakakatawa nga kami nun eh, para mga timang noon,pero di mo naman masisisi diba? Bata pa kami non... Pagkakaalam ko sa BU na daw siya mag aaral ngayon.. Great!! Nung nalaman ko yan hindi ko alam yung dahilan kung bakit masaya ako.... Na dapat nakasimangot ako...na dapat naiinis ako.. At marami pang iba pero I hate myself dahil masaya akong nandito siya..

Nung narating namin ang Batangas University, naririnig ko kaagad yung mga ingay galing sa mga studyante. Bawat studyante ay may ginagawa.. May nagkakamustahan... Nagyayakapan..... Naglalakad... Naghahanap ng name nila sa billboard at kung ano-ano pa..

Naglakad ako papuntang billboard at hinanap yung name ko para makalabas na ako sa lugar na to! Ang ingay at ang gugulo nila!!

May isang babaeng tumulak sa akin mula sa likod kaya napaurog ako sa bandang kanan at nakaramdam ako ng isang matigas na bagay .

"shit!! " napamura nalang ako sa galit. Nang tingnan ko ang matigas na bagay na yun, dun ko lang napag alaman na hindi pala ito bagay kundi parte ng katawan ng tao...

Mabilis akong lumayo sa kanya at inirapan siya sabay ayos sa buhok..
Baka kung ano pang isipan niya! Mahirap na!

"sungit!! " rinig ko sabi niya pero di ko yun pinanasin.

Nakita ko ang aking pangalan sa section B kaya agad akong nagtungo sa silid nayun.

Nang makita ko ito, pumasok ako. Kunti pa yung mga studyanteng nandito. Baka nahirapan sa paghahanap ng mga pangalan nila.

Unti-unting dumarami ang mga studyante at nakita kong may papalapit na teacher sa'min. Matangkad, moreno, matangos ang ilong at singkit ang mga mata.

May sinulat siya sa white board,mukhang pangalan niya ata.

Tumingin siya sa'min.

"Good morning class! "  aniya.

"Good morning sir Mandantes! " sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko.

"okay, so hows your vacation? " tanong niya at umupo sa silya.

English ng english tong isang to.. Na no-nosebleed na si ako!!

Nag-chorus yung mga kaklase ko,may ibang nagsasabi ng 'okay lang' tapos yung iba naman 'bad trip'at kung ano-ano pa!

Natigil ang lahat ng biglang may tumayo sa pintuan.. At nag simula yung mga bulung-bulungan..especially girls.

WHAT THE HELL!! Bakit siya nandito?  'wag niyang sabihin na magiging classmate ko siya?  Grrrrr!!! Kainis naman eh!!

"you are the transferee,right?"tanong ni sir Mandantes habang tinitingnan yung hawak niyang papel.

"yes sir... " sagot niya.

"ahh okay,so hows your vacation? " nakataas na ang kilay ni sir..para siyang bakla.

"Fun!!" aniya

"you may now take your sit! " sabi ni sir at tinuro ang upuan sa likod.

SERIOUSLY?!! Kapag minamalas ka nga naman oh! Iniiwasan ko na nga yang unggoy na yan tapos magiging classmate ko pa, at sa likod ko pa talaga pinaupo! Ano bang kasalanan ko sa'yo lord at pinaparusahan mo ako nh ganito??!!

Ilang ulit akong napabuntong hininga dahil sa inis.

"hai Amie.." rinig ko sabi niya mula sa likod

"cheeeehh! " sigaw ko ng pabulong

" Ito naman, ang sungit!! " aniya

"pwede ba 'wag kang maingay! " tinignan ko siya at inirapan at bumalik na sa pakikinig kay sir.

"okay.. " aniya

Mula kaninang umga hanggang ngayon di ako mapakali sa kinauupuan ko,feeling ko kasi may nakatingin sa'kin.

Pumunta ako sa library pagkatapos nang klase namin.

Kunti lang yung tao rito, most of them junior students.

Umupo ako sa table na nasa sulok, ayoko dun sa gitna masyadong expose yung beauty ko..

Kumuha ako ng libro at bumalik sa upuan,at nagsimulang magbasa.

Nakita kong papasok si Arnold.Rinig ko ang mga bulong bulongan dito sa library. Ito namang si Arnold ngiti lang ng ngiti. Akala niya kung sino s'yang gwapo!TSE!

Umupo siya sa kabilang table na kaharap ng akin at tinignan ako. May kinuha siyang libro(di ko alam kung ano yun). Binasa niya yun...napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin l. Agad naman akong umiwas ng tingin.

Simula ng umupo siya dun,hindi ko na naiintindihan yung binabasa ko kaya pinili ko nalang umalis dun at pumasok nalang..

I Love You No Matter What!Where stories live. Discover now