Chapter 4: Hatid

4 0 0
                                    

Umalis na ako dun sa library kasi di ko naman naiintindihan yung binabasa ko dun.

Nang nakaratingbako sa room,nagulat ako ng nakita ko ang teacher namin sa physics na nakaupo sa teachers table. Tinignan ko ang aking relo at nakita kong di pa naman time. Kumunot yung noo ko.

Ngumiti siya sa akin. "oh.! Pumasok kana dito,'wag kang mag alala di pa naman ako nag sisimula" aniya

Dumating si Arnold at kumunot yung noo niya.Tiningnan niya ang kanyang relo at mas lalo pang kumunot yung noo niya.. Siguro nag tataka rin siya kung bakit may teacher na kahit di pa naman time.

Pumasok siya at bumati kay ma'am  tsyaka umupo sa kanyang upuan.

Nang narinig nanin ang tunog ng bell,nag simula nang mag discuss si ma'am.

Dinissmiss na kami ni ma'am kaya pumunta na ako sa next subject ko. Music yung next subject namin kaya nasa music room ako ngayon.

Nakita ko si Arnold na papasok kasama nung isang kaklase namin, Alexsa yata ang pangalan nun!  Nagtatawanan pa talaga sila! Kay bago-bago,ganyan na kaagad umasta! Akala niya kung sino siyang gwapo!!

Teka! Ba't ba ako nagagalit?  Wala naman akong pakialam diyan.!

Dumating na yung teacher namin kaya umupo ako ng maayos. Tsyaka si Arnold at yung Alexsa tumigil na rin sa pag-uusap!

"Good morning everyone! " sabi ng teacher namin

"Good morning miss Ramirez" sabay sabay naming sigaw.. Nakakagulat dahil wala pa siyang asawa.. Maganda naman siya at sexy pa.

"okay,so ngayon ang gagawin natin ay mag-iintroduce lang ng ating sarili dito sa harapan. " aniya

Ito yung pinaka ayaw ko sa lahat eh! Yang pakilala pakilala..

"sisimulan ko na..so everyone I am your teacher in music, I'm Grace Ramirez. Wala akong asawa dahil sa di ko malamang dahilan siguro natatakot lang ako.. I am strict when it comes to your grades. Aniya tapos tinuro yung babae sa unahan

"hi everyone,I am Camille Rose Beunaventura. Just call me Rose. " aniya at umupo

Sunod sunod silang nagpakilala hanggang sa sumunod si Arnold.

Kinakabahan ako kasi malapit na ako. Pagkatapos ni Arnold si Alexsa na tapos ako na...

"Hi everyone I am Arnold James C. Perez..." aniya

" I'm Alexsa Recamara" aniya

Tumayo na ako at pumunta sa harapan.

"Hi everyone. I am Amie(eymi) Martinez. " sabi ko at bumalik na sa aking upuan.

"Okay so, tomorrow you will be performing a song here in front. Individual.Your dissmiss." aniya

Grrr! Kanina yung pag iintroduce sa sarili tapos bukas magpeperform ng song..ang daming echetera echetrang nalalaman!

Nandito ako ngayon sa locker ko.Nilalagay ko ang aking libro na hindi naman kailangang dalhin sa bahay.

Pagkatapos kong ilagay yung libro,naglakad ako palabas ng school.

Nakita ko si Arnold,may kinakausap,mukhang barkada niya ata.. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakalagpas na ako sakanya.

"Amie! " may tumawag sa akin mula sa likod.

Lumingon ako dun sa tumawag sa akin.

Nakita ko si Arnold. Bakit niya ako tinawag? Mangiinis na naman yan for sure!

"Amie! Wait lang! "aniya habang naghahabol ng hininga.

"oh! Bakit ka nandito!?" tanong ko

Napabuntong hininga siya. Tapos nag smile sa'kin

" hatid na kita! " aniya

Anong hatid?! Bakit niya ako ihahatid eh di na naman ako bata!

"'wag na kaya ko ang sarili ko,at pwede ba di na ako bata! " sabi ko at binilisan ang aking lakad papuntang sakayan.

"so?..porket di na bata di na pwedeng ihatid? " sabi niya habang nakatingin sa'kin

Ayoko nga! Napakakulit neto!

"pwede ba 'wag mo na lang akong kulitin!basta!ayaw kong magpahatid!" panay ang irap ko sa lalaking to.

Nakarating ako sa sakayan ng kinukulit parin ako nang unggoy nato!

" bahala ka basta ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo! " sabi niya.

Pumara ako ng tricycle at hinarap siya.

" wag kang susunod kundi makakatikim ka sa'kin " sabi ko at tinuro siya.

" eto naman sige na ihahatid na kita!" aniya

"pwede ba wag mo akong kulitin!ayoko!ayoko!ayoko!aasarin mo lang din naman ako eh! " sabi ko saka pumasok sa tricycle.

Nagulat ako ng pumasok siya sa tricycle. Kumunot yung noo ko.

"Bakit ka nandito? Diba sabi ko-" pinutol niya ang aking sinabi.

" sabi ko ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo at isa pa on the way naman yung bahay niyo sa bahay namin eh kaya sasakay nalang ako. Bakit bawal ba? " aniya

"bakit may sinabi ba ako?"  sabi ko at umirap.

Nginitian lang niya ako. Siya yung nagsabi sa driver kung saan kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You No Matter What!Where stories live. Discover now