Kabanata 3

21 2 0
                                    

#PossessedLover

Bizarre Eye

Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa buong lobby bago himatayin si tita. Dinala sya sa isang room at sinabing tumaas ang blood pressure nito.

Inalam lang ng pulis kung ayos na ba si tita at ang kalagayan si Ara bago sila tuluyang umalis para sa inaasikaso nilang kaso.

Nang mahimasmasan na si tita Rebecca, kahit pinagbawalan sya ng doctor, wala ng nagawa ang mga ito nang dumiretso si tita sa room ni Ara.

She truly loves her one and only daughter. I mean, kahit sino naman mamahalin si Ara pero iba yung pagmamahal ni tita.

"Arabella, hija, mahal na mahal ka ni mommy," she's caressing Ara's hair. "Don't worry, everything will be alright. So please, gising kana." Pinunasan nya ang luha na dumaloy sa pisngi nya. "G-Gising kana, anak, please.."

Naaawa na ako kay tita. Matagal ng namayapa ang daddy ni Ara at saksi ako doon. Ilang taon ding depress si tita Rebecca at ngayong nagsisimula palang syang makarecover, tsaka naman nangyari lahat ng 'to.

Minsan iniisip ko, kasalanan ko din e. Kung dumating ba ako sa resto ng maaga, mangyayari ba 'to? Kung pinili kong wag munang pansinin yung message ni Ara, magkakabanggan ba kami? Mamatay ba ako? Mararatay ba sya dyan?

Yung girlfriend kong matagal kong inalagaan, pinrotektahan, minahal at pinaglaanan ng buhay ko ng halos pitong taon ay nag aagaw buhay ngayon nang dahil din sa isang iresponsableng katulad ko.

How ironic life really is.

Nakaupo lang ako sa couch na nandito sa room ni Ara habang nakatingin sa kanilang mag-ina nang biglang tumunog ang cellphone ni tita.

Tiningnan nya ito bago sinagot ang tawag. "Oh, Flyn, hijo, papunta na kayo?"

Nabuhayan ako sa sinabi ni tita. Flyn, my bandmate, my bestfriend. Pupunta sila?

Alam na kaya nila yung nangyari sa'kin? Gusto kong makita yung reaksyon nila. Kung namimiss ba nila ako, kung nalulungkot ba sila? Damn these gay shits, hindi naman ako ganito. Well, nung nabubuhay pa ako.

Maya maya pa nga, bumukas ang pinto at bumungad samin ang nakashades na si Johann. Humalik ito kay tita bago pinagmasdan si Ara.

Sumunod na magkasabay na pumasok naman sina Flyn at Theo. Dirediresto lang sila kay tita at bumeso dito.

"Salamat sa pagpunta nyo dito.." pagsisimula ni tita.

"Of course, 'ta. Si Ara 'yan e." sagot naman ni Theo sa malungkot na tono. This is my first time to heard that tone by him. Mas madalas kasi na sobrang kulit nya.

"So, si D-David.. pinuntahan nyo na ba siya?" nakita kong namuo ang luha ni tita at napayuko sya habang binabanggit ang pangalan ko.

Nakokonsensya ba sya dahil alam nyang si Ara ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon?

Gusto ko syang puntahan, yakapin at sabihing ayos lang ako. Na okay lang na ako na yung nagkaganito kaysa naman si Ara ang mahirapan. Isipin nalang nila na isa to sa mga sacrifices ko para sakanya.

Nakita ko ding bumakas ang lungkot sa mukha nilang tatlo. Atleast kahit papano, alam kong mahal talaga nila ako kahit madalas kaming hindi nagkakaintindihan sa banda.

Iba iba kasi yung pananaw namin sa buhay yet pinagsama sama kami sa iisang banda. May sira din ata sa ulo yung manager namin.

Possessed Lover | JJK & PJMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon