"Kailan ka ba magsisimulang pumalaot ulit?" Ang madalas kong marinig na tanong mula sa aking mga kaibigan. Marahil sawa na sila sa aking mga hinaing tungkol sa isang pag-ibig na agad ding lumisan.
Siguro nga, kailangan ko nang pumalaot ulit. Pero sa ngayon, dapat akong matutong mag-isa. Ang mga alon na posibleng dumaan ay parte lamang ng buhay ko kung saan kasama nito ang mga aral na pwede ko pang magamit pagdating ko sa aking patutunguhan.
Hindi ito minamadali. Dahil kailangan ko munang umalis sa isla na tinutuluyan ko ngayon. Dapat akong makaramdam ng takot. At ang takot ay nararamdaman ko sa isang lugar na alam kong wala akong kasangga, 'yong wala akong kasama kahit na sino.
Pagsakay ko sa bangkang aking gagamitin, ito ang dapat kong tandaan: maraming bagay ang pwede ko pang magawa o maranasan kahit na mag-isa lamang ako. Sa gitna ng mga alon na ito, hindi lang kapahamakan ang dumadaloy. Naririto rin ang katapangan na dapat kong pairalin at matutunan upang malagpasan ko ang kawalan na ito.
At kapag parating na ako sa susunod na isla, lahat ng pagod at determinasyon ko ay mapapalitan ng saya. Saya, dahil nalagpasan ko ang lahat ng ito.
Kaya ko pala. Sa aspeto pa lamang na iyon, alam kong makukuntento na agad ako.
BINABASA MO ANG
Mga Katanungan na walang Kasagutan
RandomSa mga panahon na tayo ay naguguluhan, ang mga salita at letra ang gumagawa ng paraan para tayo ay maliwanagan. Konting ngiti, konting luha, konting hikbi.. lahat ay nagbibigay ng kahulugan. Pero mahal, nangangailangan rin naman ako ng kasagutan. Il...