6

32 3 0
                                    

"Gaano ba kahirap na patawarin ako?" Ang unang tanong niya sa akin noong naiwan kaming dalawa sa iisang silid. Ipinasok ko sa aking bag ang mga naiwan kong gamit upang makaalis na dahil ayaw ko nang manatili pa rito. Ayaw ko na!

Isinukbit ko ang aking bag sa aking likod upang tuluyan nang makaalis ngunit hinarangan niya ang pinto. Napahigpit ang aking hawak sa strap ng aking bag.

Mahirap. Sobrang hirap mong patawarin dahil patuloy mo pa rin akong sinasaktan at winawasak. Ngunit, kung ikaw ay hindi ko mapatawad nang ganoon kadali, paano pa ang sarili ko?

Paano ko pa mapapatawad ang sarili ko, kung gayong hinahayaan lang kitang saktan ako?

Ngunit, hindi ko iyon sinabi. Hindi ko hahayaang bumigay na naman ang aking sarili sa harap niya. Hindi na. Hindi na mauulit pa ang dati.

Tinignan ko lamang siya bago ko siya ginawaran ng isang malungkot na ngiti.

Masokista. 'Yan ang nararapat na itawag sa akin dahil bago ako lumabas ng kwarto na iyon, isang kataga lamang ang iniwan ko sa kaniya.

"Pinapatawad na kita," Kahit alam kong sa loob-loob ko, nandoon pa rin 'yong sakit na iniwan niya, ang mga pagkukulang na hindi na niya mapupunan pa, at ang relasyon naming na hindi na maibabalik pa.

Mga Katanungan na walang KasagutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon