"Isang tyansa lamang ang hinihingi ko. Bakit hindi mo manlang maibigay?" Rinig kong bulong niya sa kawalan.
Hindi ko alam kung bakit nila-"lang" na lamang ng ibang tao ang tyansa na pilit nilang inaabot at hinihingi mula sa iba.
Hindi ko alam kung bakit kay dali nilang sabihin na, "Ito lang naman, ah." na para bang madali itong ibigay o igawad sa isang tao.
Nandito na naman ang mga kaaway ng aking kalooban. Mga rumaragasang emosyon. Mga palaisipan na patuloy dumadaloy sa bawat ugat at hapdi ng nakaraan.
Sabihin mo nga sa akin. Paano kita mabibigyan ng panibagong tyansa ulit, kung ang una kong ibinigay sa'yo ay sadya at tuluyan mo nang nasira sa ating nakaraan?
Tingin mo, dahil dito, mapagpapatuloy pa ba natin ang kasalukuyan?
Hindi na.
Pakiusap, malabo na.
BINABASA MO ANG
Mga Katanungan na walang Kasagutan
RandomSa mga panahon na tayo ay naguguluhan, ang mga salita at letra ang gumagawa ng paraan para tayo ay maliwanagan. Konting ngiti, konting luha, konting hikbi.. lahat ay nagbibigay ng kahulugan. Pero mahal, nangangailangan rin naman ako ng kasagutan. Il...