Chapter 11.1 : Plan F

110 51 7
                                    

CHAPTER XI : PLAN F – SEDUCE HIM

Part 1

Katherine's Point of View

"SEMESTRAL BREAK na yipee, so it means malapit na mag-end of the year pero 'yong tiyan ko bruh tingnan mo naman, pang-noche-buena na agad!" Pag-rarant ni Hailey sa harap ng monitor.

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang madugong finals kaya heto ako ngayon sa sala sinusulit ang dalawang linggong sembreak.

Uminom muna ako ng kape sa tasa na halos kalahati na rin ang nasimot ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay muli ko siyang hinarap sa kasalukuyang online video call namin.

"Bruhilda, that's not true! Maganda ka." Panunukso ko.

Mabuti na lamang kahit nasa ibang bansa sila ngayon ay hindi pa rin nagla-log ang connection namin kaya naman agad kong napansin ang pagtaas ng kilay niya.

"I smells someone wants pasalubong," she hissed.

Hindi ko naiwasan ang matawa sa pagpaparinig ni Hailey kaya naman mas lalo tuloy akong ginanahan na asarin siya.

"Oh, thank you for reminding me bruh. As a matter of fact, I already made a wish list in case you are having some trouble guessing what I badly wants." I said grinning between my teeth.

Napa-face palm na lamang ang kaibigan ko habang pinapakita sa monitor ang isang sheet ng yellow paper na punong-puno ng sulat sa harap at sa likod. Susulitin ko na ang pagpapalibre since ayokong mapalagpas ang souvenirs na galing sa Paris.

"I guess, isa lang ang pipiliin ko sa mga 'yan." Natatawang suhestiyon niya dahilan upang ako naman ang kumunot ang noo,

"Subukan mo lang bruh. Ipagkakalat ko na NBSB ka!" Pagbabanta ko habang hindi pa rin mapigilan ang pagtawa kahit alam ko naman na hindi big deal sa kaniya ang pagiging kasapi ng samahan ng mga malalamig ang pasko.

"Duh," pagtataray niya. "It's okay to be single because we are not giving in sa peer pressure and time table ng society. Everyone has their own timeline, get it?"

Napangiwi na lamang sa ako sa sermon-session-with-beshie kinda talk namin. "Umaatake na naman ang sakit ni hugot queen. Ito naman, hindi mabiro!" tugon ko kasabay ng pagkain ng pandesal.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Tatlong araw na rin kasi matapos siyang umalis at naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Tatlong araw na rin na puro video calls ang way of communication namin kaya naman siguro naubusan na rin kami ng mapag-uusapan. Magpapaalam na sana ako na tatapusin ko muna ang pagkain ng breakfast nang may bigla akong maalala.

"Bruh," tawag ko.

"Hmm?"

"Kumusta na pala 'yong guy na na-meet mo somewhere diyan sa Paris?" tanong ko.

Sa isang iglap ay biglang kumislap ang mga mata ni Hailey na para bang interesado siya sa panibago namin na topic.

"Oh, the guy I met in the Eiffel Tower?" Bahagyang gumalaw ang monitor niya senyales na umupo siya mula sa pagkakadapa sa kaniyang kama. Napansin ko na nasa lap niya na ang laptop.

Muli akong humigop ng kape kasabay nang nakakarindi niyang pagtili.

Gawd, Hailey!

"Bruh, those dimples! Feeling ko the way he look at me parang may iba, alam mo 'yon? Gut feeling ganern. He even ask for my number!" she screams at the top of her lungs.

Napa-rolled eyes na lamang ako sa kaharutan ng kaibigan ko.

"Having a crush is okay. Stalking your crush is okay. Chatting your crush is okay. But aasa ka na gusto ka niya? Is not okay, bruh." Pailing-iling na sambit ko nang makasingit na ako matapos siyang kumalma.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon