Chapter 1 : Game Over

367 53 32
                                    

Chapter 1 : Game Over

The name of the game is love.

The playing field is our hearts.

Those who understand how to play the game will succeed.

Those who don't are doomed to be broken.

🎶 I'm a big big girl in a big big world.. 🎶

Kisame. 

Kisame ang unang bumungad sa akin matapos kong imulat ang aking mga mata. 

Napalingon ako sa alarm clock na nakapatong lamang sa bed side table ko. Dali-dali ko itong inabot upang patayin ang nakaka-irita nitong tunog. 

Magtatalukbong na sana ulit ako ng kumot nang biglang may nagbukas ng pintuan sa kuwarto ko, "Alarm clock na nga lang ang nakakaalala sayo pinapatay mo pa," rinig kong saad ng babae. 

Agad ko naman itong nilingon upang simangutan, "Hailey, kelan ka ba matututo na kumatok bago pumasok ng kuwarto?" Nanlilisik ang mga mata na tanong ko. 

Ngunit huli na nang na-realized ko na mali pala na kinausap ko pa siya.

"Omg Katherine, anong nangyari sa mga mata mo? Bakit namamaga?!" Nag-aalala nitong tanong. 

Napabuntong-hininga na lamang ako at tuluyan na lamang na nagtalukbong upang umiwas sa mga maari niya pang itanong. 

Kaso sadyang may lahi ata talaga siya ng pagiging chismosa at sa huli nararamdaman ko na lamang ang marahas niyang paghila sa kumot na nagtatakip sa akin, "Bruhilda, magsalita ka! Umiyak ka ba kaya namamaga ang mga mata mo?!" Pangungulit niya habang walang humpay na inaalis ang aking kumot. 

Noong una sinusubukan ko pa na hindi pansinin ang kakulitan niyo pero sumabog na din ako sa inis kaya naman ako na mismo ang nag-alis ng kumot sa mukha ko at hinarap siya, "Caian just dumped me! Happy?!"

Nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang ekspresyon kaya naman medyo nakaramdam ako nang pagka-guilty dahil sa inasta ko sa kaniya, "Sorry Kath," nakayukong saad niya.

"No, it's okay. Itutulog ko lang 'to," garalgal kong sambit.

Napa-angat na lamang ako ng aking tingin sa kisame habang pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala sa namamaga kong mga mata. 

"Wait, pigilan mo muna 'yang luha mo. May kukunin lang ako!" Nagmamadali niyang saad at nang lingunin ko siya ay tuluyan na siyang nakalabas mula sa kuwarto ko. 

Agad naman akong napalingon sa phone ko na nakapatong lang din sa may bedside table.

Nagmamadali kong chineck ang inbox ko sa pag-asa na baka nagtext na si Caian at makikipagbalikan na ulit ito katulad nang parating nangyayari kapag nag-aaway kami. 

Ngunit nadismaya lamang ako sa nakita ko. Wala kahit isang text mula sa ex-boyfriend ko.

What do I expect?

I lose the game so it was really over. 

Agad naman akong napalingon sa may pintuan nang maramdaman ko ang presensiya ni Hailey na papasok sa kuwarto ko na may dala-dalang dalawang tasa at sa amoy pa lang mukhang kape ang mga ito. 

"Akala ko ba isang gallon icecream ang gamot sa mga pusong sugatan? Bakit kape 'yang dala-dala mo?" Kunot-noo kong tanong habang hindi mapigilan ang mapangiti sa kalokohan ng kaibigan ko. 

Inabot niya muna sa akin ang baso at umupo sa dulo ng kama ko bago muling nagsalita, "Because coffee makes your heart beat faster without breaking it unlike your stupid ex that doesn't know how to treasure people, you know,"  kibit-balikat niyang sambit at nagsimula nang inumin ang kape na tinimpla niya. 

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon