Prologue

441 55 43
                                    

Prologue

I never believed people when they said how much it hurts to have a broken heart.

Not until, it was me.

I was sitting on one of the bench, crying with mascara running down in my face.

Gasping for air.

Crying again.

It wasn't supposed to be this way. Loving someone should be a beautiful thing, it's like having butterflies in your stomach.

It's not supposed to destroy people.

But I guess, being heart broken feels like all the butterflies just died.

It feels like I'm physically hurts inside.

"So, the break-up planner got her plans backfired?"

Pag-angat ko nang aking tingin ay bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag na dulot ng sikat ng araw.

Kailangan 'ko pang takpan ang aking noo gamit ang aking palad upang maaninag ang lalaking nasa harapan 'ko ngayon.

Kunot-noo 'ko siyang tinitigan ngunit halos manlaki ang mga mata ko nang ma-realized kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"E-excuse me?" nauutal 'kong sambit.

Paano niya ako nakilala?

Higit sa lahat, paano niya nalaman na ako ang break-up planner?

"Sabihin na lang natin na nasa kamay 'ko ang sikreto mo, literally and hypothetically. " naka-ngisi nitong sambit sabay taas nang kaniyang kamay dahilan upang makita ko ang hawak hawak niyang notebook.

Hindi lang iyon isang simpleng notebook dahil ito ay kulay black.

Higit sa lahat, hindi lang iyon isang simpleng black notebook dahil doon nakalagay ang lahat ng break-up files ko!

Napatayo na lamang ako sa gulat nang makita mismo sa mga kamay nang stranger na nasa harapan ko ngayon ang isa sa mga confidential 'kong gamit maliban sa supplies ng napkin na nasa bag ko parati.

"Ibalik mo 'yan sa akin. Gamit ko 'yan!" sambit ko at pilit na inaabot ang notebook sa mga kamay niya.

Ngunit everytime na sinusubukan ko ay mas lalo niya lamang na inilalayo ito mula sa akin.

I'm hopeless.

Being pandak feels.

"Then, bring my girlfriend back!" sigaw niya.

Halos matigilan ako nang biglang napalitan nang isang seryosong aura ang nakakaloko niyang ngiti kanina.

Mas lalo akong natigilan nang ma-realized kung bakit panay english ang lalaking 'to?!

Ang sakit sa bangs garcia.

Ngunit, mabilis din itong nagbago at nag-transform ulit sa mapang-asar niyang vibes but this time may halong sense ng pagbabanta.

"You're the break-up planner right? So if you can plan break-ups, perhaps you can plan how we can get back together," sambit niya habang hindi inilalayo ang matalas niyang pagtitig sa mga mata ko na punong-puno ng galit at hinanakit.

"Sa palagay ko hindi magandang ideya 'yan Mr. Blackmailer," sagot 'ko at sinuklian din siya nang isang pagngisi with matching pameywang pa.

Bakit ako magpapasindak sa isang tulad niya?

Isa lang naman siya sa mga hopeless romantic na naniniwala sa salitang destiny na magkakabalikan din ang mga pinaghiwalay. 

Yes, I'm the break-up planner and my job is to break not to mend broken hearts.

Ang lakas naman niya mag-demand. Broken-hearted din kaya ako, aba!

"Ganoon ba? So I'll bet you don't want me to spill out the beans, am I right?" he said while wagging the black notebook in front of me.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nakalimutan 'ko, hawak pala niya ang black notebook 'ko.

Hawak niya ang sikreto ko.

Hawak niya ang katahimikan ng buhay ko.

Hawak niya ang pagkatao ko.

Do I have any choice?

- end -

Thank you for reading! <3

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon