Chapter Three
Soo-jin
POV
Pasukan nanaman. Hmmffft. Katabe ko nanaman si Mr. Lampang Gay.. .
SSsss.. . Kainis talaga! Naaalala ko tuloy yung ginawang paghalik-halik saken nung gagung yun.
PWEH! KADIRI TALAGA!
Habang kinakausap kong sarili ko sa daan papuntang school.. .
BUGSSSHHH!!!
“Sorry miss.” Sabe nung babaeng nakabungguan ko.
“Ah hindi okay lang.” sabe ko naman.
Tas naglakad na paalis yung babae. Mukha kasing nagmamadali at may bibilhin pa ata sa labas. Infairness cute siya, chinita din like me pero mas cute ako sa kanya syempwe.. Hehe joke lang!
“Sandali lang.. . . .” sabe ko sa sarili ko.
Then napatingin ako sa baba ko.
NYAY! Nahulog nung girl yung notebook niya. Hmmffft pulutin ko na nga lang, balik ko na lang sa kanya after classes, bell na rin kase baka ma-late pa ko.
Then nung asa room na ko, sa tapat nung naka-side na pinto namen eh bigla akong napahinto nung marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.
“PSSSSST! Soo-jin!” mahinang tawag saken ng isang boses lalaki.
Lumingon-lingon ako sa likuran at sides ko pero wala namang kahinahinalang tumatawag saken ah.. . Hmmffft.. .
“Pssst... Soo-jin andito ko sa likod ng pinto.” sabe uli nung boses lalaki kanina.
“Sino ka?” hindi ko pa tinignan nun yung nasa likod ng pinto malay ko multo yun.
“Si Marc Dale to.”
“Ha? Anong ginagawa mo diyan?” pupunta na sana ako sa kinaroroonan niya pero sabe niya.. .
“Soo-jin wag kang pumunta dito. Nakahubad ako.”
“Ano?! Seryoso? Nakahubad ka talaga?“
“Oo nga sabe mukha ba kong nagbibiro?”
“Panu ko makikitang mukha mo eh nasa likod ka nga ng pinto?”
“Oo nga nu.”
“Ano ba kaseng nangyare sayo? Siguro may ginawa ka nu kaya ka nakahubo?” tukso ko sa kanya.
“Wala ah! Eh kasi naman pinagtripan nanaman ako nung mga lalakeng bumugbog saken kahapon.”