Chapter Eleven
"Hey Soo-jin!"
"Ano?" sagot ko kay Lampa
"About sa nangyari kahapon.. I was just kidding. Uhm nagbibiro lang ako kahapon so don't take those things seriously alam mo naman hindi tayo talo di ba, hehe."
"Wag mo na uling uulitin yung ginawa mo kung hindi tatamaan ka saken."
"Yes Boss."
...
Next week bale prelim exam na namen kaya lie-low muna sa sparring at karate. Aral-aral din pag may time.
...
Marc POV
Ano bang nangyayari sa sarili ko?
Nababaliw na ata ako.
Bakit ko kasi ginawa yun, yan tuloy nabasted pa ko, nakakahiya and nakakainis as well. Siya lang ang babaeng tumanggi saken. Pero di bale sinabe ko na namang joke lang ang lahat so maybe wala na yun para sa kanya, right?
Pero nakakababa, I feel self-pity.. Basted ako? No way, you didn't mean it Marc.. Hindi ka seryoso sa mga sinabe mo nun okay? Na-carried away ka lang talaga nung niligtas ka nanaman niya dun sa mga bad guys.. Oh no-no-no.. In-love na ata ako kay Sushi.. Pe-pero basted ka na nga una pa lang.. Hindi, nagpapakipot lang yun syempre para pahirapan ako, but I know deep inside she likes me too..Hayst anu ba tong mga pinagsasabe ko? Dapat nag-aaral ako ngayon kase exam na next week. Hey Marc wake up!!
Pinagsasampal kong sarili ko para magising..
Pak!
Pak!
Pak!
Hala-hala! Bat ko sinampal ang gwapo kong mukha? Hala nababaliw na ko!! Bakit nagkakaganito ako? Lagot, baka pati genes ko mag-mutate na.. Naku, unti-unti na ko nagbabago una sa ugali ko, ngayon sa muka ko (sabay tingin sa salamin). At yun ay dahil sa babaeng yun.. Hindi ako makatulog sa kakaisip na binasted niya ko.. Ouch yung ego ko natatamaan.. Pero, as I've said nagpapakipot lang yun, sino ba namang tatanggi sa mukang to? Di ba? Haha! I won't give up!