Chapter Four
Soo-jin
POV
Bilis talaga ng araw. Biruin mo may isang linggo na rin pala ko dito nag-aaral sa Ha-Hwe Academy (Ha-Hwe short for Halang Hwentang Academy) at isang linggo ko na ring tinitiis ang asaran namen ni Mr. Lampang Gay. Hooray!
Pero kahit gan’to kame parang aso’t pusa (ako yung aso siya yung pusa haha) eh I feel great pity on him. Panu ba naman kase, yung mga bad guys na bumu-bully sa kanya eh di na siya tinantanan kaya ayun bilang isang ‘concern na kaibigan lagi akong nakabuntot sa kanya to watch over him. Mahirap na baka hubaran uli siya ng mga yun at ako lang din naman yung kawawang manghihiram ng brief at boxer shorts niya! Dahhh! Ayoko na uling mangyari yun nu!
Hmmffft. Pero lam niyo nagtataka ako sa dalawang mag-ex na yun, kase halos di sila nagpapansinan, kung hindi ako magsasalita eh hindi na rin sila kikibo. Hay ano ba naman sila! Pero overall eh medyo enimical naman ang samahan naming tatlo para nga kaming Charles’ Angels bakla nga lang yung isa hehe!
Mabalik tayo dun sa pambu-bully kay Lampa. Lam niyo sinabihan ko na rin si Marc na magsumbong na lang siya sa principal pero etong sabe niya: ‘Ayoko nga! Baka sabihin nilang lampa ko!’, tas sabe ko naman: ‘Totoo namang lampa ka ah.’, tas hirit niya: ‘Basta kahit anong mangyari walang magsusumbong sa principal.’ Hmmffft. Sa isang lingo naming magkasama bilang magkaklase eh na-prove ko na sing taas pala ng Eiffel Tower ang PRIDE niya. Lam niyo di ko pa siya narinig na nag-sorry. Hay ewan ko sa kanya! Siguro talagang ganun ang mga feeler.
Sa school namen.. .
Hay salamat! Nakarating din ng school.
Ang Erap kayang sumakay ng kuliglig! Oo kuliglig.
Panu ba naman kase, di pa nangangalahati yung bus na sinakyan ko eh na-flatan ng gulong. Hay naku! Buti na lang nakita at ko si Mang Ambo yung kapit-bahay namen, so ayun nakisakay ako sa kanyang malakarwaheng kuliglig.
Eya lang ang hirap palang sumakay ng kuliglig kase bukod sa mainit na’t mabagal pa eh patalbog-talbog pa, ang laswa kayang tignan nakapalda pa naman ako haha nasira tuloy ang poise ko haha!!! Pero kahit ganun eh oks lang, nag-enjoy naman ako eh hehe!!! Maraming thanks talaga kay Mang Ambo at sa kanyang ‘WONDER KULIGLIG’ dahil hindi ako na-late.
Nakakatakot kayang ma-late kay Mam Owfie biruin mo may multang 500.00. WAhhhh! Pambili ko na yun ng isang daang ‘dirty ice cream’ ah haha!
Mmmm… Ano kayang gagawin ni Mam sa makokolek niyang pera?
*BRAIN PROCESSING…*
TiNK!
Alam ko na!
Siguro panlalalake ni Mam yun! Haha jokes!
Makapunta na nga ng room..
Umagang-umaga, papasok na sana ako ng room nang makita ko si.. .
LAMPA? A-at may kahalikan pa siyang babae na hindi ko naman kilala.
Agad ko silang pinuntahan sa corridor na tapat ng classroom namen.
“HOiY!” sigaw ko.
“Ay Bakulaw!” bulyaw nung kaharutan ni Lampa.