2 years later
Humahangos at tagaktak ang pawis ng isang binatilyong may sukbit na malaking backpack sa kanyang likuran. Napag-iiwanan na siya ng mga kasamahan sa gitna ng kadiliman kaya naman kahit pagod na pagod na ay pilit parin niyang inihahakbang ang mga hitang nanginginig na.
"Coach Hawthorn! Are we there yet?" Humahangos na tanong ng binatilyo. Nilibot niya ang paningin sa nagtataasang puno na nakapaligid sa kanila at kinilabutan siya nang marinig ang huni ng mga kuliglig. Balot sila nang matinding kadiliman kung hindi lang sa mga asul na Christmas Lights.
"Gago lang, talo na nga tayo sa game kanina tapos ngayon pinagha-hiking niya tayo rito sa Nature Park niya? Kanina pa ako nilalamok dito!" reklamo ng isa pang binatilyo habang kinakamot-kamot ang kanyang mga braso at tuhod.
"Idol na idol ko si Kuya Thorn nung elementary ako. Akala ko ang cool ng dating niya pero ngayon ang weird niya pala," mahinang sambit ng binatilyo sa kanyang kasamahan.
"I heard he's like that coz he doesn't have a girlfriend."
"Hindi, may shota si coach kaso wala na."
"Iniwan siya? Saklap naman nun pre."
"Let's go find him a girlfriend! Baka sakaling tumino?"
"Kingina ganyan talaga siya mula noon. Walang imik lagi at walang kinakausap maliban lang dun sa aso niya. Coach is a weirdo; with or without a girlfriend."
"Atleast he smiles now, back then he never really smiled."
Naririnig man ni Denver ang usap-usapan ng mga binatilyo sa kanyang likuran, patuloy parin siya sa paglalakad, diretso ang tingin sa karatulang nagliliwanag. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at nagpatuloy sa pagpapadala ng mensahe sa dalaga.
Teddy
7:03 AM
You:
Good Morning Teddy
Another morning without you
12:04 PM
You:
Had lunch with Warren
I wanted to punch him when he told me he missed you
BINABASA MO ANG
Good night, Enemy (Published under PSICOM)
Humor(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desperate for some rest. When their paths crossed on a midnight bus ride, he finally found the remedy in h...