Bumaba ng sasakyan si Zylene ng huminto ito sa park.
"ito yung lugar na madalas nating puntahan" habang tumitingin sa paligid
"naaalala mo pa pala" bigla siyang napatingin sa katabi dahil nakababa na pala si Kean ng sasakyan at agad na pumunta sa tabi niya.
Pinagmasdan ni Zylene ang katabi. ang laki ng pinagbago niya sabi niya sa isip niya.
Mas naging maganda ang pangangatawan nito, at lalo pang naging magandang lalaki. Maputi, matangkad, matangos na ilong at magandang mga mata pero kitang kita na may lungkot ang mga ito.
"pwede ko bang makalimutan ang mga bagay na nag uugnay sating dalawa?" she smirked
"babe im sorry" napayukong sabi ni Kean
"you know how much i love you, lahat gagawin ko para sayo" hinawakan nito ang mga pisngi ng babae
"why?" yun lang ang nasambit ni Zylene
"i know. i know your mad at me. kaya nga ako nandito para ipaliwanag ang lahat. Babe please listen" pinagdikit nito ang mga noo nila
"explain" maikling sagot niya
Huminga ng malalim si Kean at nagsimulang magsalita.
"nung araw na umalis ako, I lied. sabi ko mag aaral lang ako dun at tuturuan ako nila daddy sa business namin. yea it's true! but the main reason kaya ako umalis" he stopped
" papatayin ka nila " napayuko siya ng masabi niya yun
Gulat na gulat si Zylene ng marinig ang huling sinabi ni Kean.
" A..anong ibig mong sabihin?
s..sinong p..papatay s..sakin?" pahinto hintong sabi niya
"may nakabanggang kompanya ang business namin. Nalugi ang kompanyang yun dahil sa amin. Nag maka awa kay daddy yung may ari ng kompanyang yun, pero di yun pinansin ni daddy " inalalayan niyang umupo ang dalaga
he continued " nagalit yung may ari ng kompanya. Binabantaan kami, Pinapadalhan ng kung anu ano, kay daddy at di nagtagal pati na din kay mommy a..at s..sakin" he stopped and looked in to her eyes
"ang pinadala nila sakin, yung p..picture mo na puro dugo at may kutsilyo, sa likod ng picture nakasulat na p..papatayin ka nila kapag hindi namin sila tinulungan na ibangon ang kompanya nila. hindi ko alam ang gagawin ko, kaya sinabi ko kay daddy. kinailangan kong lumayo sayo at huwag kang icontact para malaman nila na nawalan na ako ng kaugnayan sayo para di ka nila galawin" he started to cry
"sobrang hirap sobrang sakit ng pinagdaanan ko ng hindi kita makamusta. Hindi ko masabi na sobrang namimiss na kita, para na kong mababaliw nung sinimulan kong hindi makipag ugnayan sayo, pero inisip ko na para sayo yun para di ka mapa hamak" niyakap na niya ang babae na nagsisimula na ding umiyak.
"babe God knows how much i love you, wala akong ibang minahal kundi ikaw lang. Your the one!"
biglang napahinto si Zylene sa pag iyak ng marinig niya ang sinabi ni Kean. your the one...
Napabitaw siya sa pag kakayakap sa lalaki. Ngayon niya lang naisip na sa mga oras na to may nasasaktang iba, hindi lang siya at hindi lang si Kean.
si James ...
Ang lalaking ginawa ang lahat para makalimot sa nakaraan, sa sakit na dulot ng lalaking nasa harapan niya ngayon.
" si James " bigla niyang nasabi
Halatang nagulat si Kean sa sinabi ni Zylene.
" kayo ba ? " tanong nito at umiwas ng tingin kay Zylene.
tumango siya " 5 years, 5 years na kami " napayuko siya ng masabi ito.
Tumayo si Kean " 5 years ?! tangina naman Zylene halos isang taon palang ako wala nun sayo! nakalimutan mu na ako agad?! " sigaw nito
" anim na taon akong nasaktan ! hanggang ngayon masakit pa din dito! " sabay turo sa bandang dibdib niya
Tumayo na din siya " masisisi mo ba ako?! hindi ka na nagparamdam! halos mabaliw na ko kakaisip kung anong nangyari sayo! wala akong balita! para akong bulag na nangangapa sa dadaanan ko para lang mahanap ka! " sigaw nito habang umiiyak
" sa lahat ng paghihirap at sakit na pinadama mo sakin sa loob ng ilang taon si James lang ang umintindi sakin! nung namatay si daddy at kailangan kita wala ka! si James nandon! sa mga panahon na umiiyak ako at kailangan ko ng iiyakan si James ang nandon! " halos humagulgol na siya habang sinasabi niya ang mga salitang binitawan niya
natahimik sila pareho at tanging pag iyak lang ang naririnig nila.
" ako ba naisip mo kung gano kahirap na iwan ka? " he broke the silence
yumuko si Kean at tumulo ulit ang mga luha niya
" ako ba may karamay sa lahat ng sakit at hirap na naramdaman ko noon? ginusto kong puntahan ka nang malaman ko na namatay si tito, pero wala akong magawa kasi sila ang may dahilan ng pagkamatay ng papa mo!! at pag pumunta ako sayo ikaw ang isusunod nila! " unti unti na siyang napaluhod sa harapan ni Zylene.
Gulat na gulat siya sa lahat ng nalaman. Ang kalaban pala nila Kean ang may dahilan kung bakit namatay ang papa niya.
" iningatan lang kita. pinrotektahan " nakaluhod pa din siya at nakayuko " ginawa namin lahat mapakulong lang sila dahil sa ginawa nila sa papa mo, at nagawa naman naming ipakulong sila " tumulo nanaman ang mga luha nito.
" alam kong galit ka sakin dahil sa pag iwan na ginawa ko sayo. Pero sobra naman ata ang galit mo at nagawa mo agad akong kalimutan at mag mahal ng iba" humagulgol na siya
Di makapaniwala si Zylene sa lahat ng mga nalaman niya. Ang buong akala niya kinalimutan na siya ng taong mahal na mahal niya.
pero grabe pala ang sakripisyo na ginawa niya para sakanya.
Lumuhod siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki, di na din niya napigilang humagulgol sa iyak ng makita niya ang itsura nito.
Kitang kita ang sakit na nararamdaman sa mga mata nito. Niyakap niya ng mahigpit si kean
" kahit gano pa ang sakit na naramdaman ko noon, di ko pa din maitatanggi na kahit minsan di ka nawala sa isip ko" lalo niyang hinigpitan ang yakap sa lalaki
" simula noon at hanggang ngayon ikaw pa din. I Love you babe "
(a/n) anyare kay Zylene ?
anyare ?! anyare ?!
di ko alam T.T
pano na si Ivan ?! kawawa naman si pats :((
VOTE/COMMENT
follow nyo po ako sa twitter/instagram
@is_steffanie21
@steffanie_21
'Steff ;D

BINABASA MO ANG
She's The One of Another Man
Короткий рассказ1st story ko po ito :)) masyado na akong nahuhumaling (wataword) sa pagbabasa ng ibat ibang stories dito sa wattpad, so nagdecide ako na gumawa ng sariling kwento. Ahmm unang una sa lahat nahirapan ako mag isip ng title since na first time kong gaga...