Pinalaya ko na siya. Sana maging masaya siya sa piling ng mahal niya. Sana di na siya umiyak, wala na kasi ako para damayan siya sa sakit na nararamdaman niya.
Limang taon. Siguro naman napakita ko na sa kanya kung gano ko siya kamahal. Sana naging masaya siya sa piling ko.
Heto na naman ako umiiyak. Ayaw paawat ng mga mata ko, buti di pa ko nauubusan ng tubig sa katawan.
San ko kaya nakuha yung lakas ng loob ko nung sinabi ko sa kanya ang mga yun? Di ko naisip na papakawalan ko siya.
Tss ! Grabe talaga yung kapatid kong yun, kung di dahil sa kanya di ako maliliwanagan.
" kuya ! malalate kana ! " ayan nanaman siya sumisigaw nanaman.
Oo nga pala, aalis na muna ako. Susunod ako kila mommy sa ibang bansa para asikasuhin yung business namin dun. At para makalimot na din.
Dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos ko siyang pakawalan. Siguro masaya na siya ngayon. At masaya na din ako para sa kanya.
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba na baka batukan pa ko ng napakabait kong kapatid.
" buti naman bumaba kana " nakangiti siya ng nakakaloko. Ano kayang nasa isip nito
" makangiti ka parang may binabalak ka. Magpapabili ka nanaman no? " ginulo ko yung buhok niya.
" magpapabili ? no ! alam mo kuya kaysa awayin mo pa ko, pumunta kana sa airport " tinutulak na niya ako palabas ng bahay.
" aba ! bakit gustong gusto mo ko paalisin ha ? " natatawa kong sabi. Nakakatuwa kasi yung itsura niya, naaasar na ewan.
" basta alis na ! " pag kasabi niya nun humarap ako sa kanya at niyakap siya.
" salamat bunso ha? salamat sa pag intindi sa kuya mo. Salamat sa pagpapalinaw sakin ng mga bagay bagay " hinalikan ko siya sa noo.
" kuya kahit di ko sinasabi to sayo mahal kita kaya di ko hahayaang malungkot ka ng tuluyan. Kaya kung ako sayo umalis kana at baka di mo pa maabutan " nagtaka naman ako sa sinabi niya
" maabutan ? "
nagkamot siya ng ulo " baka di mo maabutan yung flight mo ! anu kaba anong oras na ! late kana ! "
Tumawa nalang ako at sumakay na kami ng kotse, sumama na siya sakin gusto daw niya ako ihatid.
-----------
Zylene's POV
Dalawang linggo na. Di ko na siya nakita pagkatapos niya kong pakawalan. Dalawang linggo na din ang nakalipas ng pakawalan din ako ni Kean. At dalawang linggo na ng sabihin sakin ni Kean kung sino ang sinisigaw ng puso ko. At alam ko na kung sino yun.
Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan. Bat di ko napansin yun? bat di ko nalaman agad? bat hinayaan ko pang mangyari lahat to bago ko malaman?
Napahinto ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko.
Si Inna.
" hello? "
" ATE !!!! " nailayo ko yung cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw ni Inna.
" ate paalis na kami ni kuya. Nasa kwarto pa siya ngayon pero pababa na siya. Alam mo na ha ? sige bye " di na niya ako hinintay magsalita.
Tumayo na ko at nagbihis.
Kinausap ko si Inna tungkol sa nangyari at sa nararamdaman ko sa kuya niya. Pinalipas muna namin ang ilang araw para makapag isip kami kung ano ang gagawin namin. Hanggang sa malaman namin na pupunta pala ang kuya niya sa ibang bansa at susunod sa parents nila.

BINABASA MO ANG
She's The One of Another Man
Historia Corta1st story ko po ito :)) masyado na akong nahuhumaling (wataword) sa pagbabasa ng ibat ibang stories dito sa wattpad, so nagdecide ako na gumawa ng sariling kwento. Ahmm unang una sa lahat nahirapan ako mag isip ng title since na first time kong gaga...