Chapter 1: My GirlFriend
"pats!" sigaw ko.
"tingnan mo yang dinadaanan mo" pero bigla akong napatakbo sa kinaroroonan nya
"ang kulit mo naman kasi! sabi ko sayo tignan mo yung dinadaanan mo! tignan mo nangyare nadapa ka tuloy!" inalalayan ko siyang tumayo.
"waaaa sorry! di ko naman alam na may bato pala dun" sabi nya habang naluluha.
"halika na! ihahatid na kita" ngumiti ako
Nakasakay sya likod ko ngayon habang naglalakad pauwi sa bahay nila. Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to kahit kailan, di ko mapigilan sa lahat ng gusto nyang gawin.
Siya nga pala si Zylene Castro sya ang girlfriend ko, maganda, matalino, mabait complete package haha! at mahal na mahal ko.
5 years na kami, since 3rd year high school kami na. At ngayong kakagraduate lang namin ng college di pa din kami nagpapatinag matatag pa din ang samahan namin.
Subukan lang nilang sirain ang relasyong matagal ko ng iniingatan at pinaghirapan baka kung ano pa magawa ko. HAHA
Oo nga pala di pa ko nagpapakilala
Ivan James Barrameo yan muna ang ibibigay kong information tungkol sakin :)
"nandito na tayo" sabi ko sa babaing nakasakay sa likod ko.
dahan dahan siyang bumaba
"salamat pats!" ngumiti siya sakin
Sa bawat ngiti na pinapakita niya sa akin lalo ko siyang minamahal, lalo kong tinatatak sa isip ko na hindi ko dapat siya pakawalan.
"pumasok kana"
"hindi ka ba papasok? dito kana magdinner" hinila na niya ako papasok sa bahay nila.
"ma! nandito na ko!" sigaw nya sabay upo sa sofa nila, umupo na din ako sa tabi nya at nakita ang mama nya na bumababa sa hagdan.
"oh! nandito na pala kayo. kumain na kayo" naglakad siya papunta sa amin.
"good evening po tita" sabay beso
"goodevening din iho, kumain na kayo at ako'y aalis muna may imimeet akong client"
Bigla namang napataas ng kilay si Zylene "client? 8:00pm may client ka pa ng ganitong oras? nakakapanibago, dati ayaw mong nakikipagmeeting pag medyo alanganin na ang oras tapos ngayon may client ka? yung totoo ma?" medyo naiinis na siya kay tita.
Alam kasi nya na may bagong karelasyon ang kanyang ina kaya sobra kung magtanong.
"ok fine! kilala mo na naman ang tito Edgardo mo, siya ang imimeet ko baby" hinawakan ni tita ang kamay ni Zylene
Pinagmasdan ko lang silang dalawa habang sinusuyo ni tita si Zylene na pumayag na at maaga din naman siyang uuwi at pumayag din naman si Zylene.
Sanay na ako sa ganitong eksena nilang magnanay, sa tagal ba naman naming magkarelasyon ni Zylene halos lahat alam ko na ang tungkol sa kanya.
Lahat lahat.
"sige iho aalis muna ako, ikaw muna bahala kay Zylene" sabi ni tita habang pasakay sa kotse nya.
"opo tita! ingat po kayo"
napansin ko namang pumasok na si Zylene sa bahay nila at pumunta sa kusina. Agad akong sumunod na kanya.
"kumain na tayo" umupo siya sa harap ng mahaba nilang lamesa.
Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay niya.

BINABASA MO ANG
She's The One of Another Man
Conto1st story ko po ito :)) masyado na akong nahuhumaling (wataword) sa pagbabasa ng ibat ibang stories dito sa wattpad, so nagdecide ako na gumawa ng sariling kwento. Ahmm unang una sa lahat nahirapan ako mag isip ng title since na first time kong gaga...