'please don't ! wag mo din siyang yakapin'
pero huli na.
Dahil nakita kong niyakap niya si Kean habang umiiyak.
Di ako makagalaw sa nakikita ko, gusto ko siyang hilahin papunta sakin at ako ang yayakap sakanya.
Pero di ko magawa, nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanila na magkayakap.
Magkayakap na sobrang higpit, na para bang sinasabi nila na mahal na mahal nila ang isat-isa.
Ang sakit! sobrang sakit! sa nakikita ko parang pinamumuka niya sakin na wala lang ako sa buhay niya, na wala lang lahat ng pagsasama namin at paghihirap sa relasyong pinaghirapan ko at iningatan ko.
Nakita niya lang ang lalaking ito! bigla na lang nagbago ang lahat!
"Zylene!" i said in a cold voice
Nabigla siya ng marinig niya ang boses ko
"James"
Nakita ko ang gulat at pagkalito sa mga mata niya, di ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko siyang hinatak papunta sakin at nilagay ko siya sa likuran ko.
Tinignan ko ang lalaking nasa harapan namin na may pagtataka sa kanyang mukha.
"hey! what's the problem? masama bang yakapin ang girlfriend ko?" tumingin siya kay Zylene at ngumiti.
Nakita kong parang nanghina si Zylene sa ginawang pag ngiti ni Kean sakanya.
Shit! kahit minsan di ko nakitang nagkaganyan siya sakin sa tuwing pinapakitaan ko siya ng ngiti.
ang sakit!
"she's mine" bigla kong sabi habang nakatingin kay Zylene at tumingin din ako kay Kean.
"what?!" pasigaw na tanong niya
" anong she's mine na sinasabi mo diyan?!" ramdam kong naiinis na siya sa mga nangyayari.
"i said she's mine" hinawakan ko ang kamay ni Zylene.
"Ivan hindi ako natutuwa!" seryoso nyang sabi "wag kang maglaro, bitiwan mo siya"
Aaminin kong nakakatakot na ang pinapakita niya sakin, pero di ako papatinag sa mga ganyang tingin lang.
"laro? anong laro? sinong naglalaro?" i smirked
"kilala mo ko, pag sinabi kong akin, akin lang"
He smirked at biglang tumawa ng malakas.
"kailan siya naging sayo? nung umalis ako?" lumakad siya palapit samin
"ang pagkakatanda ko pinabantayan ko lang siya sayo, di ko sinabing angkinin mo siya" sabay hila kay Zylene at napabitaw ako sakanya dahil sa lakas ng paghila ni Kean.
"babawiin ko na ang MATAGAL ng akin" sabi niya sabay hila sa babaeng mahal ko.
Nakayuko, umiiyak siya habang hinihila siya palabas ni Kean.
Gusto ko siyang tawagin
gusto ko siyang hilahin pabalik sakin
gusto ko siyang yakapin
pero nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan silang palayo sa akin at hinihintay na lumingon siya.
pero hindi
hindi siya lumingon at sumama siya sa taong yun.
Na alam ko na mahal parin niya hanggang ngayon.
Bigla nalang akong napayuko, napa upo at naalala ang nakaraan.
VOTE/COMMENT
salamat po :))
follow nyo po ako sa twitter/instagram
@is_steffanie21
@steffanie_21
'Steff ;D

BINABASA MO ANG
She's The One of Another Man
Historia Corta1st story ko po ito :)) masyado na akong nahuhumaling (wataword) sa pagbabasa ng ibat ibang stories dito sa wattpad, so nagdecide ako na gumawa ng sariling kwento. Ahmm unang una sa lahat nahirapan ako mag isip ng title since na first time kong gaga...