Chapter 9: Let Her Go

13 2 0
                                    

Zylene's POV

  Nanonood lang ako ng tv. Umalis si mama makikipag kita daw siya kay tito Edgardo. Masaya naman si mama kay tito kaya hinayaan ko na sila. Tama yung sinabi ni James.

si James..

napatigil ako sa pag iisip ng napansin kong tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko at tinignan.

" we need to talk - James "

di ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa cp ko ng biglang may nagtxt ulit.

" see you at the park "

agad-agad akong pumunta sa kwarto at nagbihis, pagkatapos ay pumunta na agad ako sa park.

  Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako. Kasi makikita ko siya? pero natatakot din ako sa sasabihin niya. Tumakbo na ako papuntang park malapit lang naman yun sa bahay.

  Napatingin ako sa paligid habang tumatakbo. Nakikita ko yung mga bagay na ginagawa namin ni James dito. Naghahabulan, kumakain, tumatawa. Di ko mapigilang mapangiti. Namimiss ko na siya.

  Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko siyang naka upo sa isang bench dito sa park. Nakayuko siya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at nakadekwatro. Napangiti ako sa itsura niya ngayon kahit kasi nakadekwatro siya lalaking lalaki pa din siya, di tulad ng iba na nagmumukang bakla.

Nawala ang ngiti ko ng bigla siyang lumingon sakin at nakita ang muka niya. Halatang di siya natutulog dahil ang laki na ng eyebags niya, nangayayat din siya. Yung mga mata niya na paborito kong tignan nagpapakita na nasasaktan siya. Walang gana siyang tumayo at humarap sakin. Dahan dahan akong lumapit sakanya at hinawakan ang pisngi niya.

  " anong nangyari sayo? bakit ka pumanget? " napangiti siya sa sinabi ko pero halatang pilit lang.

" sorry " maikli niyang sabi. Nagtaka naman ako.

" di ko pinaalam sayo na konocontact ka niya. Natakot kasi ako na baka mawala ka sakin at bumalik ka ulit sa kanya " lumayo siya sakin at tumingin sa ibang direksyon.

  " sobrang mahal kita " binaling niya ang tingin niya sakin

" alam mo yan " at humarap ulit sa ibang direksyon.

" sabi ko sa sarili ko gagawin ko lahat para di ka mawala sakin at di masira ang relasyon natin. Pero naisip ko kahit kailan pala di naman naging maayos ang relasyon na yun " namumuo na ang mga luha sa mata niya.

" ginawa ko lahat para makalimutan mo siya. Nagpakamanhid, nagtiis para lang maging akin ka. Kaso sa araw araw na magkasama tayo sa loob ng limang taon. Ramdam ko na kahit minsan di siya nawala sa isip mo " tuluyan na siyang umiyak pero pilit niyang tinatago ang mga luha niya.

  " dapat una palang di ko na pinilit kasi alam ko mahihirapan ka din " humarap siya sakin

" sorry Zy. Sorry kasi pinilit ko pa sarili ko sayo " kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya.

  Gusto kong punasan ang mga luha niya pero di ko magawa.

" ngayon na dumating siya, alam ko talo nanaman ako. Kahit kailan naman kasi di ako nagkaron ng laban sakanya pag dating diyan sa puso mo " nakatingin lang siya sa mga mata ko.

  Nararamdaman ko na meron siyang gustong sabihin sakin. Pero parang ayokong marinig. Natatakot ako.

  " Mahal na mahal kita Zylene. At ayoko ng nahihirapan ka" ngumiti siya at pumikit

" Kaya pinapalaya na kita. Sorry kinulong kita sa isang relasyon na kahit kailan di mo nagawang mag mahal " nagulat ako sa sinabi niya.

  Pinapakawalan na niya ako ? mawawala na siya sa tabi ko? di ko na siya makikita? ang mga mata niya di ko na matititigan ?

She's The One of Another ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon