Chapter 8: Laman ng isip at sinisigaw ng puso

14 2 0
                                    

  Palakad lakad si Zylene sa loob ng kwarto niya. " ilang araw na yung nakakalipas simula ng mangyari lahat " nasabi ni Zylene sa sarili niya

  " pano si James ? pano si Kean ? Agggghhhh ! ang sakit sa ulo ! " sigaw niya kaya biglang nagulat ang mama niya at agad kinatok ang pintuan ng kwarto niya.

  " baby anung nagyari ? buksan mo to ! ok ka lang ba ? " sunod sunod na katok ang ginawa ng mama niya. Agad naman siyang pumunta at binuksan ang pintuan.

  " im ok ma ! "

"eh bakit ka sumisigaw diyan ? napano ka ba ? at bakit mo sinisigaw ang pangalan ng dalawang lalaki ha ? " panunukso ng mama niya

" ma please ! ayokong makipag biruan " agad siyang lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina

sinundan naman siya ng mama niya " baby tell me, ano bang nangyayari ? bakit laging pumupunta si Kean dito? nasan na si James ? "

  kinuha niya yung isang galon ng icecream sa ref nila at sinimulang kainin. " ma please " tinignan lang siya ng mama niya at hinihintay na may isasagot siya.

  " bakit nga kasi ? " tanong ulit ng mama niya.

  Tinignan ni Zylene ang icecream na kinakain niya. Ilang araw na ngang pumupunta punta dito sa bahay si Kean, di ko na din nakikita si James. Ano bang gagawin ko?

  Aaminin ko, nung nakita ko si Kean parang bumalik lahat ng sakit at biglang nawala lahat ng galit ko sakanya nung nagpaliwanag siya. He deserved a second chance. Ginawa lang niya lahat ng yun para sakin, para protektahan ako. Pero bakit parang may kulang na? Oo nung nakita ko ulit siya naramdaman ko pa din yung saya na naramdaman ko noon. Pero yung pagmamahal ko sakanya parang di na katulad ng dati, parang... paran-- .

" Zylene! anak! huy buhay ka pa ba? kanina pa kita kinakausap nakatingin ka lang diyan sa icecream! aba tunaw na yan oh! " napatigil siya sa pag iisip at tumingin sa mama niya.

" ma sino ba dapat? " bigla niyang tanong sa mama niya

lumapit ang mama niya at umupo sa tabi niya " baby hindi mo na dapat tinatanong yan, dapat alam mo sa sarili mo yan" sabi niya at ngumiti.

" dapat alam mo kung sino ang nasa laman niyan " tinuro ng mama niya ang ulo niya.

" at dapat alam mo kung sino ang sinisigaw nyan " tinuro naman ng mama niya ang dibdib niya na banda sa puso.

sino nga ba ang nasa laman ng isip ko at sinisigaw ng puso ko ?

  " Hindi ko alam ma " napayuko siya sa sinabi niya " hindi ko alam kung sino ang laman ng isip ko at sinisigaw ng puso ko " napaiyak na siya ng tuluyan.

  " no baby, alam kong alam mo. Pero di ka pa naliliwanagan " niyakap nalang niya ang mama niya.

--------------

Kean's POV

    Nakita ko na si Zylene at napaliwanag ko na lahat sa kanya. Masaya ako kasi pinakinggan niya ko. Alam ko namang pakikinggan niya ko, ang bait bait nun eh. Kaya kahit matagal ako nawala di ako humanap ng iba. Siya at siya lang wala ng iba.

  Lagi na din akong pumupunta sa kanila binibisita siya pati na din si tita. Masya kasi welcome pa din ako dun. Kaso di mawala sa isip ko yung tungkol sa kanila ni Ivan. Ang sakit ng ginawa ng pinsan ko. Pinagkatiwalaan ko siya para bantayan si Zylene hindi para gawing girlfriend. At ang matindi 5 years sila! 5 years!!.

  Pupunta ako ngayon sa bahay nila Zylene. Kaso nung papasok na ko, narinig kong nag uusap sila ni tita, aalis na sana ako kasi mukang seryoso ang pinag uusapan nila. Pero bigla akong napatigil ng marinig ko yung sinabi ni Zylene

She's The One of Another ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon