Chapter 4: Your The One

22 2 0
                                    

"kailangan mo ba talagang umalis?" tanong niya

"babe napag usapan na natin to diba? wag mo naman ako pahirapan" habang yakap yakap ang kasintahan nito

"ang tagal mong mawawala 6 years! ano na lang mangyayari satin non? baka makahanap ka na ng iba dun eh" pagmamaktol ng babae habang nakasubsob ang muka niya sa dibdib ng lalaki.

"ako? makakahanap ng iba? nagpapatawa ka ba? wala ng makakapantay sayo anu kaba!" at lalo niyang niyakap ng mahigpit ang babae

"basta babalik ka! babalikan mo ko!"

"i will! i will babe!" sabay halik sa noo

  Tumingin siya sa lalaking nakatingin sa kanila.

"van! ikaw na bahala kay Zylene ah? bantayan mo wag mong hahayaang malapitan ng ibang lalaki"

"oo naman! ako ng bahala sa kanya Kean" sabi nito ng may ngiti sa labi

"salamat van!"

  Tinignan niya ang babaeng umiiyak sa harap niya

"babe mag iingat ka dito ah? wag mong papabayaan ang sarili mo. si Ivan muna bahala sayo babalik ako promise! babalikan kita!" hinalikan niya ang babae sa labi at niyakap ng mahigpit

  Makalipas ang ilang minuto ay nakaalis na si Kean. Hindi na napigilan ni Zylene ang sarili at humagulgol na sa balikat ni Ivan

"sobrang tagal ng 6 years van! baka di ko kayanin!" iyak nito sa balikat ng binata

"nandito ako Zy di kita iiwan! babantayan kita, aalagaan katulad ng ginagawa niya sayo, at kaya ko pang higitan yun" habang hinahaplos ang buhok ng babae

    Isa lamang iyon sa mga pangyayari makalipas ang 6 na taon.

  Patuloy pa din ang pag iyak ko at nakasalampak lang ako dito sa sahig at inaalala ang nakaraan.

"van bakit ganon? di siya tumatawag sakin? kahit text or email wala! baka nakahanap na siya ng iba dun? pano na ko?" iyak ng iyak si Zy ngayon dahil hindi na nagpaparamdam si Kean.

"shhhh tahan na. baka naman busy lang. alam mu naman ang parents niya diba? tinututukan siya para sa pag mamanage ng negosyo nila" hawak ko ang mga kamay niya

  Ilang buwan ng hindi nagpaparamdam si Kean sa amin. kay Zylene

  Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa mokong na yun, alam naman niyang may naiwan siya dito at may pinangakuan tapos mag aakto siya ng ganito! nakaka asar!

  Tinignan ko si Zylene na ngayon ay umiiyak , hawak ko ang mga kamay niya. di ko mapigilang mapangiti alam ko baliw ako kasi umiiyak na nga siya sa harap ko tapos ngingiti ngiti pa ko dito!

  Eh bakit ba? sa masaya ako eh dahil ako ang kasama niya, ako ang laging nasa tabi niya, ako ang laging makakakita ng mga ngiti niya. At ang mas masaya pa! sa mahabang panahon ko ito mararanasan.

  OO! may nararamdaman ako para sa kanya, matagal na mga bata palang kami. Pero tinago ko ang nararamdaman ko para sakanya kasi ayokong masira ang pag kakaibigan namin.

   Magkaklase kami simula kinder hanggang ngayon na 2nd year high school na kami. Masaya na ako sa ganito na Kaibigan lang ang turing niya sakin.

  Kaso may nagugustuhan siyang iba, ang pinsan/bestfriend ko si Kean Barrameo.

  Nung una nagalit ako ng palihim, kasi ang gusto ko ako ang gusto niya. Pero nung nakikita ko siyang masaya kapag kasama niya si Kean hinayaan ko na lang sila, tinanggap ko na lang kahit masakit.

She's The One of Another ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon