Chapter 2
(a/n: siguro sa mga susunod na chapter ay maikli na yung laman, because this is actually a short story with short chapters lol)“Gosh where are they? It’s already 1:30 pm ha, kalahating oras na tayong naghihintay” reklamo ni Claudette habang nangingilay.
Si Gwen naman ay panay selfie, sina Claire at Dale naman ay as usual magkasama at nakadikit sa isa’t isa, habang sina Jackson at James ay nagaayos ng gamit sa sasakyan.
“Baka naman they take that ghost-joke seriously” ani ni James habang nilalagay ang flashlight sa bag niya.
“Dude only scaredy-cat believe in that thing” sagot naman ni Jackson na kakatapos lang mag ayos.
“The problem is they are scaredy cat bro” may puntong sabi ni James.
“Teka anong oras na? I think they will not gonna make it” naiinip na sabi ni Dale sa mga kasama.
Napatingin naman ang lahat nang tumunog ang cellphone ni Claire.
“Nag text si Ayesha” anunsyo niya sa lahat.
“Ano raw sabi?” tanong naman ni James.
“She said sabay nalang daw silang pupunta nina Ericka, Fatty at Gab may gagawin lang sila saglit. They’ll use their gps naman daw para makasunod sa atin” pahayag ni Claire sa lahat.
“Sure? Okay then, let’s go everyone! Wohoooo” excited na sabi ni James at pumasok sa driver seat habang nasa shot gun seat si Jackson at ang iba ay nasa likuran na. they are using Jame’s mini van.
“yeaaahhh” sigaw ng lahat at halatang nangingibabaw ang excitement.
Habang nasa daan ay kumakanta pa sila, sinasabayan ang music na tumutunog sa radio.
Ganoon pa rin si Gwen panay kuha ng litrato pero this time nakisali na rin si Claudette at Claire.
Pagkatapos ng dalawang oras na byahe, ay nakarating na rin sila sa bayan kung saan naroon mismo ang sinasadya nilang lugar.
Lumabas muna ang lahat at nag inat dahil sa dalawang oras na pagkakaupo.
“Gosh we’re finally here!” Claudette squeaked in excitement.
“Geez, this town is creepy ha” nakangiwi at nangdidiring sabi ni Gwen habang pinagmamasdan ang mapunong bayan, hindi rin halata na nasa sentro sila dahil walang masyadong mga bahay-bahay at kakaunti lamang ang tindahan at establisyamento.
Naging maulap na rin ang kalangitan, at ting lagas rin ng mga punong kahoy kaya nagsisihulugan ang mga dahon neto, sabayan pa ng malamig na hangin.
“We need to take a walk from here, hindi kasi makakapasok itong kotse kasi makipot ang daan” sabi ni James sa lahat.
“Guys, andito na pala kayo” napatalon ang lahat sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Ayesha kasama pa ang ibang kaibigan nila,as usual nagpalitan sila ng yakap at beso.
“Ayesha? K-kanina pa ba kayo nandito?” nagtatakang tanong ni James
Imbis na si Ayesha ang sumagot ay sumingit si Fatty na may mga hawak na pack ng junkfoods at iba pang pagakin.
“Yupp” emphasizing the ‘p’
“But how? Ang sabi niyo susunod nalang kayo sa amin? P-pero bakit nauna pa kayo ditto?” nakakunot noo paring sabi ni James, sinang-ayunan naman ito ni Jackson
“Oo nga, hindi ba kayo nahirapan sa paghahanap ng lugar na ito? Kami nga ay nahirapan nagtanong-tanong pa kami”
“A-ah, hindi naman in-analyze kasi naming mabuti ang daan ng lugar bago bumyahe”
Nagtakha naman si James kung bakit parang naiilang si Ayesha at di mapakali.
“Yes, Ayesha’s right parang pinag-aralan pa talaga nga niya yung daan papunta rito kasi parang kabisadong-kabisado na niya. She’s a genius hihihi” hagikgik naman ni Fatty bago lumamon ulit.
Mas lalo tuloy naguluhan si James at napatingin kay Jackson na parang ganoon din ang iniisip.
“Let’s go everyone! Boys, lead the way” maarteng sabi ni Gwen haabng nandidiri pa rin sa lugar, pero minsan naman ay napapangisi.
Tahimik silang naglalakad with their partners, they have decided to walk by partners.
At tanging tunog ng kahoy at dahon na naapakan nila ang naririnig at kasama rin ang mga kakaibang tunog sa paligid, mga ibon at insekto^ James&Jackson
^Claire&Dale
^Gwen&Claudette
^Gab&Ericka
^Fatty&Ayesha“Aren’t you scared Gab? Huhu” nakakapit na si Ericka sa braso ni Gab habang naglalakad, tanging kibit- balikat lamang ang natanggap na sagot ni Ericka mula kay Gab.
“Geez, don’t be like that Gab you’re getting creepy too”
Binigyan naman siya ni Gab ng isang nakakakilabot na ngisi kaya inwas nalang ito ang tingin.Instead she observed the surroundings, nasa loob sila ng isang tahimik na kakahuyan.
Halata sa kanila ang takot na nararamdaman ngunit pinipilit nila itong iwakli sa kanilang isipan, sina James at Jackson ay nakukuha pa ring ngumisi at tila ginaganahan sa nararamdamang thrill sa adventure na ito,
Habang naglalakad ay may narinig silang kakaibang tunog na nanggangaling sa damuhan, parang may kumakalkal sa mga damo.
“Omg, what’s that?” natatakot na sabi ni Claire at napakapit sa mga braso ng kanyang boyfriend.
Naging alerto naman ang lahat at natigil, tila nag aabang Kung ano ang nasa likod ng mga damo. Lumalakas na lumalakas ang tunog ng pangangalkal sa damo at mas itinaas ito ng balhibo nila.
“AAAHHH!” binalot ng sigaw ang kakahuyan ng sumigaw ang mga babae sa pagkagulat ng may taong nakayuko at unti-unting inangat ang ulo.
“Agay jusko ginoo” sabi ng matandang lalaki na halatan nahihirapan sa pag tayo ng tuwid dahil sa katandaan.
“Ano bang pinagsisgaw niyo mga bata?” tanong niya sa magbarkada habang pinupulot ang mga kahoy na nasa damo.
Doon nila napagtanto na naghahanap pala ng kahoy na maipanggagatong ang matanda.
“Eh kayo po kasi lolo, ginulat niyo kami akala naming multo na muntik na tuloy mahulog ang mga pagkain ko” sabi ni Fatty sa matandang lalaki.
Ngumisi lamang ang matanda ngunit nawala rin ito ng may napagtanto siya.“T-teka bakit kayo nandito? Mag aalas 4 na ah, maya-maya ay didilim na rin” sabi ng matanda habang isa-isa niyang tinignan ang mga kabataan.
“We are here to tour this place, you know we want some extraordinary adventure” nakakibit balikat na sabi ni James.
Napatango na lamang ang matandang lalaki ngunit hindi rin maitatago ang pag-aalala sa kanyang mukha habang inisa-isa niyang tignan ang magbabarkada
“K-kung ganoon, mag ingat na lamang kayo. Aasahan ko ang pagbalik niyo doon sa sentro, at pagnakabalik na kayo ay doon na kayo kumain sa bahay ko bago lumuwas pauwi sa inyong lugar” usal ng matanda, dahilan upang mabuhayan si Fatty
“Talaga po? Libre pagkain? Yeeess!” napasuntok siya sa ere dahilan upang tumilapon ang ibang laman ng pagakin niya.
“Oo, kaya maghihintay ako sa inyo. Mag ingat kayo ha?” makahulugang sabi ng matanda bago niya tuluyang talikuran ang magbabarkada
“Guys tara na wag niyo ng pansinin iyon” sabi ni Ericka sumunod naman ang kasamahan niya sa kanyang sinabi at nagpatuloy sila sa paglalakad.
Ngunit ang tingin ni Ayesha ay naiwan parin doon sa likuran, at unti-unti niyang ginala ang mga tingin sa paligid hanggang bigla na lamang siya ngumisi, isang makahulugang ngisi.

BINABASA MO ANG
Underground
Mystery / ThrillerAng inaakalang masaya, exciting na squad adventure ay naging madugo, at naging bangungot ito para sa lahat. They want an extraordinary adventure and yes, it was an extraordinary indeed. Because it is an adventure worth to die for. AkoSiMissTanga2018...