NUEVE

328 10 0
                                    

CHAPTER 9

(A/N: mapapatawad niyo ba ako na ngayun lang ako gumamit ng character’s point of view hahaha)



Ayesha’s POV

Masakit sobrang sakit at pagod ang aking nararamdaman ngayun hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa aking nararamdaman.

Pinilit ko paring makatakbo, kahit gumapang pa ako dito sa mga maliit at matutulis na bato.

Bakit nga ba ito nangyayari?
Ang gusto lang naman naming ay magsaya, makalayo sa stress at makapagpahinga.

Hindi ko inaakalang ganito pala ang uri ng pagpapahinga ang ibibigay sa amin.

Ang inaasahan ng barkada naming masaya at exciting na adventure ay nagging nakakakilabot at nakakatakot na adventure.

Ang gulo, napaka gulo. Mababaliw ako sa kakaisip kung bakit humantong sa ganito ang lahat?

Noong una ay hindi pa ako makapaniwala, sa taong pinagdududahan ko na nasa likod ng pagpatay sa mga walang laban kong kaibigan.

Ayaw kong tanggapin na siya dahil itinuring ko siyang parang kapatid.

Ayaw ko pa nga sanang kunin ang iniwan ng matandang lalaki noong papasok palang kami.

Oo, tama ang nabasa niyo may iniwan ang matandang lalaki sa damuhan.


Noong una, nag dalawang isip pa
akong balikan iyon dahil sino ba naman ang magagawang pumatay ng kaibigan pero meron ding kung ano sa sarili ko na pumipilit na balikan iyon, dahil kakailanganin ko daw iyon.

(A/N: FLASHBACK PO MUNA TAYOO, ANG MGA ITALIZED WORD AY PALATANDAAN NA FLASHBACK ITO)

Hindi ako mapakali sa kakaibang tingin na pinupukol sa akin ng matandang kaharap namin ngayun parang nakikipag usap siya sa akin gamit lamang ang mata.

Nakikita ko mismo sa kanyang tingin ang pangamba at babala para sa amin. Alam ko sa puntong ito, may panganib na mangyayari.

Pero naguguluhan ang isip ko, kung ano bang panganib ito?
“K-kung ganoon, mag ingat na lamang kayo. Aasahan ko ang pagbalik niyo doon sa sentro, at pagnakabalik na kayo ay doon na kayo kumain sa bahay ko bago lumuwas pauwi sa inyong lugar” sa pagkakasabi ng matanda sa katagang iyon alam kong may malalim siyang pinapahiwatig.

Pati na rin ang pag sabi niya ng ‘mag ingat kayo ha’ alam kong sa likod ng katagang iyon ay isang matinding babala.

Tinitignan ko rin siya sa mata, kug mayroon mang mangyayaring hindi maganda bakit hindi niya kami pinipigilan? Bakit ayaw niya na sabihin mismo ang babala?

At tila ba naiilang siyang tumingin sa dapit nina Ericka?

Napag desisyonan ng lahat na magpatuloy sa paglalakad ngunit naiwan pa rin ang tingin ko sa matandang lalaki na lumingon rin sa akin atsaka lumingon rin sa damo kung saan siya nakatayo kanina at doon ko nakita ang isang bote na hindi ko alam kung ano ang laman.

Napangisi naman ako dahil alam kong kinakausap niya ako gamit ang mga mata niya para sinasabing ‘kunin ko iyon’ at umandar naman aking kuryusidad.

Mas lalong sumama ang kutob ko nang makarating kami mismo sa entrance ng kweba, agad tumayo ang aking mga balhibo nang Makita ang itsura nito madilim, at nababalot ng misteryo.

Sumagi agad sa isip ko ang boteng iniwan ng matanda, kaya habang abala sila sa paguusap a tumalikod na ako pero bago pa man ako umalis ay tinawag ako ni Jackson at nagtanong kung saan raw ako pupunta.

UndergroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon