CHAPTER 8
“J-jacksoooonn!” sigaw ni Ayesha habang tumatakbo papunta sa duguang kaibigan na tadtad na ng saksak at may iba pang laman loob na lumabas.
Halos magwala na ito dahil sa kanyang nakita.
Nanginginig niyang hinawakan ang patay na katawan ni Jackson at mainit pa ito tanda na bagong gawa pa ang krimen.
“James! Ericka! Gab! Heeeeelppp” kahit siya rin ay paos na pero pinilit niya pa ring sumigaw.
Agad naman dumating si James kasama si Ericka, at parang masusuka ito sa nakita.
Huling dumating si Gab na napaiwas agad ng tingin dahil hindi niya kinaya ang tanawin.
“What the hell! Jackson no dude wake up! You can’t just leave us here, damnn!” pati rin si James ay nagwawala na sa galit, sinuntok niya pa ang lupa dahil sa naghahalong takot at galit dito.
“I think we should really run now, give us the map James para makalabas na tayo rito” natatarantang sabi ni Ericka.
Kinapa naman Ni James at huli na ng napagtanto niyang nawawala ang mapa.
“N-nawala ang mapa! I-i secured it in my pocket and now i-its gone”
“Darn it, then the killer is just right here. RUN!”
Halos magkakandarapa na sila makahanap lang ang lagusan palabas ng kweba.
Tiniis nila ang matutulis na bato sa tuwing nadudulas at nadadapa sila.
Kahit duguan at marumi basta’t makalabas lamang dito.
Takbo lamang sila ng takbo kahit hindi nila alam kung saan tutungo basta’t ang alam nila nanganganib na ang buhay nila at isa sa kanila ang isusunod na, sa di pa rin nila kilalang pumapatay.
Medyo malayo na rin ang kanilang itinakbo, hingal na hingal si James na napasandal sa isang malaking bato.
“Let us not fool ourselves, stop fooling around and tell me who is the real fucking killer here!” giit niya.
“Yeah stop fooling us JAMES and tell us that you are the killer here!” bulyaw sa kanya ni Gab, nagkayakapan lamang sina Ericka at Ayesha dahil sa nasasaksihan nila ngayun.
“Me? You’re blaming me? Hahahahaha STUPID!” nagpipigil lamang si James na mapagbuhatan ng kamay ang kaibigan lalo na babae ito.
“Yes, because in the first place you are the one who brought us here, so obvously it was you who planned all of this shits you are just pretending to be a victim here!” hindi na rin napigilan ni Gab ang kanyang galit.
Ngumisi naman si James sa kanya at patango-tangong tumingin sa kanya.
“So ganito pala ang paraan mo para ako ang madiin dito. You’re just blaming me to save your dirty crimes, now tell us WHY YOU KILLED OUR FRIENDS, girl who has been quite here all the time” this time a ‘your loosing’ smirk formed in James’ face.
Umaapoy na sa galit si Gab kaya hindi na niya nakayanan, ibinato niya kay James ang hawak-hawak niyang bato sa sinandalan niya.
“How dare you blame me in your shitty game you asshole!”
Gumanti naman si James at bumato rin.Hindi makagalaw sina Ericka at Ayesha habang pinapanoud ang mga kaibigan nilang nagpapatayan dahil nagsisisihan.
Hindi na rin nila alam kung ano ang gagawin upang matigil ang dalawang panay batuhan lang ng matatalim na bato.
Parang tumigil ang mundo nang parehong natumba ang katawan nina James at Gab, naliligo sa sariling dugo at puno ng sugat galling sa mga batong binato nila sa isa’t isa.
At dahil dun ay matinding sugat ang tinamo ng kanilang mga ulo na dahilan ng kanilang pagkamatay.
Napaawang bibig sina Ericka at Ayesha habang sabay na napa sigaw.
“NOOOOOO!” humahugolgol silang dalawa habang sinusubukang pigilan ang dami ng dugong umaagos mula sa kanilang ulo.
“No, no, no this can’t be… my friends no.. please.. oh god help us!” nababaliw na usal ng isa sa dalawang natira.
Nanginginig siya sa nangyayari, hanggang sa mapagtanto niya na mag isa nalang siyang umiiyak, habang nakayuko nakita niya ang isang pares ng paa na nakatayo at nakaharap sa kanya at sinadyang hinulog ang mapa.
Ang mapa na nawala kay James ay
siya pala ang kumuha!Sa mga oras na ito alam na niya, na siya na ang susunod dahil kaharap lang niya ang babaeng puno’t dulo ng lahat ng mga nangyayari.
Huli na ng masagot ang kanyang mga tanong kung sino nga ba ang may kagagawan neto.
Puno ng takot at pangamba niyang inangat ang kanyang tingin sa taong nakadungaw sa kanya.
At kusang tumulo ang mga luha niya nang Makita itong parang baliw na demonyong nakangisi sa kanya habang hawak ang kutsilyong puno ng dugo na ngayu’y nakatutok na sa ibabaw ng ulo niya.
Mariin siyang napapikit dahil hindi niya pa matanggap na tama ang hinala niya simula paman noong una.
Masakit para sa kanya na tanggaping kaibigan niya pa ang gumawa neto.
Kaibigan niya pa ang walang awa na pumatay ng mga kapwa kaibigan niya.
“E-ericka?” halos pabulong na niyang sabi at hindi na niya makilala ang sariling boses.
Umalingawngaw sa kweba ang nakakakilabot na halakhak, halakhak ng isang demonyo, halakhak ng isang baliw.
“Run Ayesha run! Hahahahaahahahaha”

BINABASA MO ANG
Underground
Mystery / ThrillerAng inaakalang masaya, exciting na squad adventure ay naging madugo, at naging bangungot ito para sa lahat. They want an extraordinary adventure and yes, it was an extraordinary indeed. Because it is an adventure worth to die for. AkoSiMissTanga2018...