EPILOGUE
Maaliwalas ang mabughaw na langit, malamig rin ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Pauwi na ako ngayun sa aming bahay galling sa simbahan, ilang buwan na rin simula ang karumaldumal na pangyayari, nabigyan na ng maayos na libing ang aking mga kaibigan, at nabigyan na rin sila ng hustisya.
Parati ko pa rin silang pinagdarasal n asana ay nahanap na nila ang kanilang kapayapaan kung nasaan man sila ngayun.
Marami rin akong mga nadadaanang tao na abala sa kanilang mga sariling buhay, may mga nagmamadali dahil late na sa opisina, may nahihirapan sa mga pinamili niya, mayroon namang kalmado lang habang pinagmamasdan din ang paligid.
Nakakuha ng atensyon ko ang magbabarkadang nag uusap-usap sa tindahan dito sa aming kalye, masaya sila habang nag-aasaran, naalala ko naman noon ganyan rin kaming lahat magbabarkada.
Yung kahit sa kabila ng kanya-kanya naming problema ay napapangiti pa rin naming ang isa’t-isa.
Napaisip naman ako bigla, maaring isa rin kaya sa kanila ang may itinatagong galit?
Ngunit bago pa man bumalik ang masasamang alaala, iniwakli ko na agad iyon.
Basta’t para sa akin hanggang sa huli magkakaibigan pa rin kami.
Kahit wala na sila sa mundong ito parati lang silang nandito sa puso ko, pati na rin an gaming pagkakaibigan at mga iningat-ingatang alaala.
Masaya ko ring ibinalita sa kanila na successful ang book launching na inorganiza namin noon pa man. Best seller din ang kanya-kanya naming mga libro, tungkol sa pag-ibig, pamilya, pagkakaibigan, at pati na rin mga kalokohan.
Napangiti akong napatitig sa mga ulap na pumurma ng parang isang ngiti, kumaway ako sa langit kahit nakakatawa man iyon, atsaka pumasok sa gate ng bahay.
Ganoon nalang ang pagtataka ko nang tahimik ito, atsaka ko naalala na baka nagpa spa na naman si mommy.
Kinuha ko ang sarili kong susi sa bahay, pero ganoon nalang din ang pagtataka ko ng hindi naman ito naka lock.
“Si mommy talaga nakalimutan na namang I lock ang bahay tsk” sabi ko sa sarili bago binuksan ang pinto.
Bigla akong naestatwa sa nakita kong hindi inaasahang bisita sa bahay, muli ring nanginig ang aking mga paa sa takot habang hindi pa rin maialis ang tingin sa bisitang comportableng naka upo sa mahabang sofa.
“E-ericka?”
Hindi makapaniwala kong tanong sa babaeng nasa harapan ko, may mga nasunog na balat sa ilang parte ng kanyang mukha, at pati na rin sa kanyang mga braso.
“It’s Erich you bitch! And oh WELCOME HOME AYESHA HAHAHAHAHA”
“NOOOOOOOOOOO!”
_END_
(A/n: tapos men tapos, tapos na ba talaga? Hahahahaha)

BINABASA MO ANG
Underground
Mystery / ThrillerAng inaakalang masaya, exciting na squad adventure ay naging madugo, at naging bangungot ito para sa lahat. They want an extraordinary adventure and yes, it was an extraordinary indeed. Because it is an adventure worth to die for. AkoSiMissTanga2018...