Limitasyon

4 0 0
                                    

I

Paano nga ba nagsimula ako lahat?
Paano nga ba nagsimula yung ikaw at ako?
Ikaw at ako, mga estranghero na pinagtagpo.
Pinagtagpo dulot nang nagwakas na pag-ibig.

II

Sa simpleng Hi mo sa chat, alam ko na agad na may ‘di tama.
Pero sinabi ko sa sarili ko, dahil lang sa nasirang relasyon hahadlangan ko na angvsarili ko na sumaya.
Sinagot ko ang Hi mo sa chat ng Hello.
Ang dating dalawang letrang reply naging mahaba.

III

Nagkaroon ng pagkakaintindihan hanggang sa mabuo ang isang pangako.
Pangako na “tutulungan kitang maka-move on.”
Mga mabulaklak na salitang nagbigay ng kilig sa aking puso.
Ano ba ito? Pag-ibig nga ba ito?

IV

Hanggang sa dumating ang araw na pinakinatatakutan sa lahat.
Iyong na araw na inamin ko sa saeili ko na nagmanahal na ako.
Binuksan ko ang chatbox nating dalawa at nagreply sa huli mong mensahe
Mahal na kita, sabi ko.

V

Ngunit walang sagot na natanggap mula sayo.
Mali ba na nahulog ako sa ka-chat ko lang.
Ang puso ko na tanga, di na natuto.
Nagmahal nang isang robot na walang backbone na katulad mo.

VI

Hindi dapat magpadala sa mga pangakong walang kasiguraduhan.
Hindi pala dapat mahulog sa dapat ay ka-chat mi lang.
Mali na umaasa sa mga salitang nabasa mo lang mula sa isang kahon.
Bago ma-fall, alamin ang limitasyon ng pag-ibig.


Vicious MindWhere stories live. Discover now