Sa bawat tanong ko na Bakit,
Sagot mo’y dahilan.
Mga dahilan na hindi mo naman talaga gagawin.
Mga dahilan na nasabi mo lang upang paasahin ang puso kong tanga.
Tanga, oo, tanga na nga kung matatawag,
Ang isang tulad ko na paulit ulit tumata
nggap sa mga palasak mong dahilan.
Hanggang kailan mananatili sa ganitong sitwasyon?
May pag asa ba na ako’y magising sa katotohanang ‘di mo naman talaga ako mahal.