The Bizarre Love Triangle [You Make My Kokoro Go Doki Doki II]

436 20 3
                                    

You Make My Kokoro Go Doki Doki II

(The Bizarre Love Triangle)

by: LadyBlueEyes

(a/n: ito na po yung book 2 na nirerequest sa akin, sorry natagalan ^___^ at para naman po sa iba, basahin niyo po muna yung book 1 para hindi po malito sa mga kaganapan... mhua mhua heart heart, sana magustuhan niyo....)

[INTRO]

•{ sabi nila kung kayo talaga ang para sa isa't isa... }•

"you always make my kokoro go

doki doki" Yuki

"ano yun??"

kinuha niya yung isang kamay

ko tsaka inilagay sa tapat ng

puso niya, ramdam ko yung

bawat pagtibok ng puso niya.

nakatitig lang siya sakin,

matagal.... tsaka siya ngumiti at

nagsalita

"you always make my heart skip

a beat"

•{ kayo pa rin hanggang sa huli. }•

*krrrrrriiiiiiiinnngggg......*

"panaginip lang pala..." malungkot na sambit ng dalaga

*krrrrrriiiiiinnngggg.....*

paulit ulit na ring ng phone niya... wala naman talaga siyang balak sagutin yun, kaya lang baka mama niya yon at nag aalala na sa kanya.

tatlong araw na simula ng umalis si Yuki ng walang paalam. at sa tatlong araw na yun halos araw araw na niyang napapaginipan na bumalik ang binata para sa kanya, pero sa tuwing magigising siya, parang gusto niyang matulog na lang ulit para kahit sa panaginip lang ay makasama niya ito..

"hello po.." malungkot niyang bati sa kabilang linya

"sh*t bakit ngayon mo lang sinagot? kanina pa ko tawag ng tawag sayo!"

bigla siyang natigilan sa narinig na boses sa kabilang linya

O___O

*kurot sa pisngi.... tapik... sampal..*

"what the.... nakikinig ka ba ha bonsai?!"

"Yuki..." mangiyak ngiyak niyang sagot, wala siyang masabi, tanging pangalan lang ng binata ang nasambit

"sh*t are you crying? asan ka? pupuntahan kita..." dina niya pinatapos magsalita ang binata

"n..nasa airport ka ba? ako na ang pupunta diyan.."

"no....ako n...."

"papunta na ko" sabay end ng tawag

•{ pero sure ka ba na kayo talaga ang para sa isa't isa? }•

nagmadali siyang magbihis, mag ayos at lumabas para pumara ng sasakyan

"manong sa airport po" utos niya sa taxi driver na nasakyan niya..

*tik tak tik tak....*

ang tagal...... parang ilang taon niyang hindi nakita ang taong yun at ganun na lang siya kasabik sa muling pagkikita nila.

•{ pano kung... yung akala mong happy ending ay di pala happy... }•

"ma'am traffic po masyado, nagmamadali po ba kayo?"

lumingon si Mei sa bintana, medyo malapit na ng konti ang airport at medyo tanaw niya na rin ito

"manong dito na lang po ako." tsaka nagmadaling lumabas ng taxi

*lakad.... takbo...*

hingal na siya ng makarating siya doon.

tanaw niya ang isang lalaking nakatayo malapit sa isang bagahe.

nakapamulsa ito habang nag aabang sa mga taong dumarating..

siya nga iyon, ang lalaking lagi niyang napapaginipan... ang lalaking laging nagpapabilis ng tibok ng puso niya..

"Yuki!!!" sigaw ni Mei,ngunit tila hindi ito narinig dahil sa mga sasakyang dumadaan

"tetano!!!!" sigaw niya na sobrang lakas at sa wakas nalingon na rin ang tinatawag

•{ at ang akala mong ending ay umpisa pa lang pala ng mas mabigat na pagsubok sa iniyong dalawa }•

nagmadali siyang tumawid, sobrang namiss niya talaga ito at hindi na niya ito hahayaang mawala pa.

sa pagmamadali niyang makapunta sa kabilang kalsada, hindi nito napansin ang isang rumaragasang sasakyan na sa sobrang tulin ay imposible nang mapahinto ito sa oras

•{ makayanan niyo pa kaya ang bawat pagsubok kung biglang nakawin ng isang aksidente ang lahat ng pinagsamahan niyo? }•

*scccrrreeeetttcchhh!!!*

malakas na tunog ng break ng sasakyan

"MEI..!!!" patakbong pinuntahan ni Yuki ang dalaga subalit huli na..

nadatnan niya na duguang nakahandusay sa harap niya ang babaeng rason ng kanyang pagbabalik.

•{ maaalala pa kaya ng puso ang dating tibok nito? o gaya ng pagkalimot ng isip ay tuluyan narin itong makalimot at tumibok na para sa ibang tao.. }•

-------

a/n: tunghayan natin ang isa nanaman pong istorya para sa inyo. hanggang saan nga ba nasusukat anng tunay na pagmamahal? handa ka bang iwan ang lahat at ipaglaban siya? o pakawalan ang natitira mong pag asa para lang lumigaya siya. at iyon ay ang inyong mga alaala.

at sa oras na pakawalan mo siya... makakaya mo ba?

The Bizarre Love Triangle [You Make My Kokoro Go Doki Doki II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon