chapter 14: nakatulog pala ako?

1.7K 44 5
                                    

angel's POV

"ano na? haha nastuck ka na dyan sa pagkain, kahit kailan ANG TAKAW MO TALAGA" pagkatapos ko syang tawagin ay bumalik na ako sa may pool para magpaalam.

"guys pahinga muna ako ha" sabi ko sakanila habang humihikab

"huh? maya na ang saya kaya"  sabi ni seth sa akin. umiling iling ako sabay talikod aba inaantok na kaya ako.

naglakad na ako pero parang may naaninag akong tao sa may likod ng puno *iling iling* ay ewan inaantok na talaga ako.

pagkadating na pagkadating ko sa kwarto namin ay dumiretso na ako sa kama. 

ZZZZZZZZzzzzZZZZ

someone's POV 

nagkakasayahan silang lahat, eto na ang tamang panahon para GUMANTI sa kanya.

dahan dahan akong pumasok sa kwarto nya. and there i saw her sleeping peacefully dont worry FRIEND you'll sleep FOREVER.

kinuha ko yung injection na may lason sa may pocket ko. i-iinject ko na sana ng masagi ko yung alarm clock. itutuloy ko na sana ng may kumatok

"angel!? ano ginagawa mo dyan? papasok ako ha" tanong nya pssh badtrip.

dahan-dahan nyang pinihit yung doorknob, urgghh san ba ako magtatago neto.

seth's POV

pumunta ako sa loob para kumuha ng iba pang pagkain, ako pa kasi ang inutusan -3- pede namang iba.

nasa may kusina na ako ng may narinig akong parang may kumalabog, naisip ko agad si angel tapos parang kinabahan ako. matagal narin syang nawala sa may pool

umakyat ako sabay katok, malay mo nagbibihis pa yan. mabuti ng sigurado noh

"angel!? ano ginagawa mo dyan? papasok ako ha" tanong ko sabay pihit nung doorknob.

pero... nagulat ako ng makita ko sya sa loob.

aba tingnan mo ano kaya yung kumalabog? tulog naman sya. nilibot ko ang tingin ko sa kwarto wala namn ibang tao. napatingin ako sa ibaba

"oy angel gising! bat nalaglag alarm clock mo?" sabi ko sakanya habang inaalog ko sya.

"hmmm wait" sabi nya sabay bangon.

"nakatulog pala ako?" tanong nya. tumango ako. tumingin sya sa alarm clock na basag.

"hala! nasagi ko pala" gulat na tanong nya. 

"*shrugs* ewan ko tara na bumagon ka na dyan" sabi ko sakanya, sumunod naman sya nauna pa nga eh -.- . tiningnan ko pa ng huling beses yung kwarto bago ko sinaraduhan yung pinto.

weird?

someone's POV 

nagulat ako ng pinulot ni seth yung alarm clock halos hindi ako huminga buti nalang di nya ako nakita

"oy angel gising! bat nalaglag alarm clock mo?" narinig kong sabi ni seth

"hmmm wait" 

"hala! nasagi ko pala" 

"*shrugs* ewan ko tara na bumagon ka na dyan" nung narinig ko ang pagsarado ng pinto ay agad akong lumabas sa ilalim ng kama sabay hinga ng maluwag grabe kinabahan ako dun ah.sayang makakaganti na sana ako. psh MAY ARAW KA RIN ANGEL

lumabas na ako sabay punta sa may pool.

"oh san ka nanggaling?" tanong ni rj

"sabi ko sainyo magpapalit na ako dahil nilalamig na ako diba?" sabi ko sakanya sabay upo sa may gilid ng pool. 

tumango tango naman sya sabay langoy ulit.

MGA TANGA DI MAN LANG AKO NAPANSIN :D

(A/N: who is this someone? 0__0 sabaw ba xD?lololol)

STAR SECTION has a secret (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon