Chapter 20: isa nanaman?

1.7K 32 0
                                        

Julie's POV

napahiwalay kami kila teacher kaya hindi ko alam kung san ako pupunta! Natatakot na ako. Pakiramdam ko sa bawat kilos ko ay may nakamasid.

Hindi pwede! Ako na ba talaga ang susunod!?

Ayoko pang mamatay.

Nakakaiyak. Takot na takot na ako. Sino bang pwedeng maging mamatay tao? Ganito ba kagalit sa amin yung gumagawa nito?

Ano bang ginawa namin?

Ganun na ba kalala?

Gusto kong sumigaw! Ngunit ano nga bang magagawa ng sigaw ko? Maililigtas ba kami nito? Maari bang may makaligtas sa amin? Parang kumakatok si kamatayan sa aming pintuan.

Pano kaya kung magpakamatay nalang ako? Nang sa ganun ay hindi brutal ang aking pagkamatay?

.
.
.

Nasan na ba sila?

*sigh*

Iniwan nanaman ako?

*cREEEAAKKKK*

Napalingon ako ng may marinig akong ingay. Agad akong kinilabutan at nagtaasan ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay may mabilis pa sa kidlat ang pagkamutla ng aking buong katawan.

Dahan-dahan akong tumingin sa taas. Ngunit halos mapaupo ako ng makita ko "sya" na nakasabit sa itaas ng puno.

Hindi maari!? Bakit sya pa. Bakit bestfriend ko pa?

"roshelene" nanghihinang usal ko.

Dahan-dahan akong napaupo. At umiyak.

Ng may humawak sa balikat ko.

Wala akong pakialam.! Kung sya ba ang pumapatay!?

Wala na akong ibang kakampi dito!

Wala na! Pinatay nya na! Handa na akong mamatay.

"Julie"

Dahan-dahan kong naitaas ang aking paningin ng marinig ko ang mahinhin na tawag na iyon.

Ngunit nagulat ako ng makita kong duguan ang bestfriend ko sa harap ko.

"Tulungan mo ako julie" mahinang usal nya habang lumalapit.

Napaatras agad ako dahil sa sobrang takot.

Unti unting nilamon ng galit ang kanyang mata.

"PATAAYIN MO SYA PARA SA AKIN! BIGYAN MO AKO NG HUSTISYA!"

Naipikit ko nalang ang aking mga mata dahil sa lakas ng sigaw nya.

Ngunit

Mas lalo akong nagulat ng pag mulat ko ay nasa harap ko na sya at sasaksakin ako.

Para syang demonyo habang papalapit sa akin.

Nasa harap ko na sya nakakatakot. Para syang hindi tao.


"JULIE! GUMISING KA!"

Dali dali akong napabangon sa aking hinihigaan ng marinig ko ang malakas na boses ni reycie.

Naguguluhang tumingin ako sa kanila.

Lahat sila ay may malulungkot na aura at parang maiiyak na.

Hindi ko mapigilang hindi maiiyak.

Hindi maari!?

Totoo ba!?

Bakit!?

"Julie. Wala na si roshelene" mahinang usal ni seth. Na napagpahagulgol sa akin. Dahan dahang lumapit sa akin si reysie at jiliane at yumakap sa akin.

Dahan dahang pumasok si jansen sa maliit na tent na natangay namin sa hotel.

Na may dalang bangkay.

Hindi ko na napigilan ang aking emosyon.

"AAHHHHH! HELENE! BAKKIITT MO NAMAN AKO INIWAN! ANG DAYA DAYA MO! SABI MO MAGKASAMA TAYO HABANG BUHAY! AKALA KO WALANG IWANAN! BAKIT MO NAMAN GINAWA SA AKIN TO! NATUTULOG KA LANG NAMAN DIBA!GUMISING KA NGA DYAN!" Sigaw ko habang inaalog ko ang katawan nya. Bakit ganun? Tulog naman sya diba? Bakit ayaw nya gumising?

"Natagpuan namin syang nakasabit sa puno. Julie" ani ni jansen.

Tumango nalang ako at lumabas.

Hindi ko kaya. Do i really have the reason to live?

"Kailangan ko pa bang mabuhay, best?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa langit. Napatawa ako ng mapait, parang sasagot naman sya.

Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. Sumunod pala sya.

"Dapat ka pang mabuhay julie. Nandito kami. Isa pa sa tingin mo ba magiging masaya ang bestfriend mo kapag nalaman nyang ganyan ang gagawin mo sa buhay mo? May mga bagay na dapat nating gawin kahit walang dahilan kung hindi dahil kailangan natin. Ingatan mo ang ang buhay mo julie. Mahalaga yan, hiniram lang natin yan" sabay tapik ni thea sa balikat ko.

Magpapasalamat palang sana ako ng tumalikod na sya.

Napangiti nalang ako dahil tama naman ang sinabi nya. May mga bagay na kahit hindi natin alam ang dahilan kailangan nating gawin :)

Saglit ba akong nagmunu muni sa labas bago maisipang pumasok sa loob ng tent.

Naabutan ko silang naguusap dun.

"Hi" nakangiting bati ko sa kanila.

"Ok ka na?" Tanong ni jyhm sa akin. Kaya tumango nalang ako.

Hihiga na sana ako ng makaamoy ako ng nakakahilong amoy.

Sinubukan kong aninagin sila ngunit pakapal ng pakapal ng pakapal ang usok.

And the next thing i knew.

*black out*

(A/N: omygosh! Ano ng mangyayari? Bitin? Or pangit xD? Nakakabored kasi sino may gustong book 2? Gagalingan ko pramith!)

STAR SECTION has a secret (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon