Chapter 2

745 22 0
                                    


Sa kasalukuyan...

This was steamy, scorching hot sex about to happen.

Iyon ang naisip ni Brandon Duque kanina nang mapasukan ang babaeng nasa ibabaw ng kanyang kama at bahagyang natatakpan ng kumot.

Technically, hindi kanya ang kamang iyon. Kay Jon iyon dapat. Hindi siya dapat kasali sa party na ito dahil bagaman kabilang siya sa Class of 2003 ng TiSci, hindi siya mula sa Section A. Pero dahil madalas siyang pumasyal sa classroom ng kapitbahay at matalik na kaibigan niyang si Jon Brenin, naka-close na rin niya ang marami sa mga classmates nito.

Marami man silang ipinagkaiba sa personalidad, nagkasundo sila ng binata. Sayang lang, kinailangan nitong umalis na kaagad imbis na magpalipas din doon ng magdamag gaya ng unang plano, dahil tumawag ang boss nito at inutusan itong mag-attend ng seminar bukas nang umaga kapalit ng superior na umano ay sumama ang pakiramdam. At dahil late na siya dumating, hindi sila masyadong nagkahuntahan sa kaibigan.

Dahil din late na siyang dumating, hindi pa siya tinatablan ng iniinom nila ay nagsipag-ayawan na ang mga kaibigang pulos lasing na. Mabuti na rin iyon dahil pagod at puyat na siya para maglasing pa.

Gayunpaman, malayo sa pagiging pagod ang kanyang 'junior' kung pagbabasehan ang reaksyon nito sa anyo ng babaeng nakalatag sa hihigaan niya.

He was ecstatic nang malamang sadyang pinuntahan siya ng dalaga sa kuwartong iyon. Inisip pa niya, baka iyon ang gift ni Jon para sa kanya na nabanggit nitong iniwan na lang umano nito sa silid na iyon dahil nga hindi siya nakaabot sa exchange gift.

Nangunot ang noo niya nang mapansing pamilyar ang babae. Nikki was the batch valedictorian and class nerd. Wala itong masyadong ka-close noong high school maliban kina Catherine at Jane, at sa paminsan-minsang pagsagot nito kapag kinakamusta ni Jon. Sa kanya, medyo suplada ang dating nito. Na kasalanan din niya. Madalas niya ito noong kulitin at tuksuhin sa kanyang best friend na hinala niyang crush nito. Dahil doon, lalo itong naging inis sa kanya.

Hindi naman ito amoy-lasing, kaya inisip niyang buo sa loob nito ang nangyayari sa kanila. And then, at the height of ecstatic pleasure, she called Jon's name.

Angry and sexually frustrated, he stared at the shocked woman looking at him.

Napasinghap ito nang mapagmasdan siya. "I... I'm sorry. This is a m-mistake." Nagkukumahog na hinila nito ang kumot upang takpan ang halos hubad na katawan at bumangon mula sa kama. "I have to go. I'm really sorry I had—ay, kalbo!"

Dahil nakatingin sa kanya, sumabit ang paa nito sa kumot at muntik nang bumagsak sa sahig kung hindi lang niya naagapang sapuhin. Pumulupot sa baywang nito ang mga braso niya.

"You okay?" untag niya habang nakatitig sa mukha nito.

Namumulang itinulak siya nito sa dibdib. "Yes. And please don't touch me."

Nagpanting ang mga tainga niya dahil para bang nandidiri ito sa kanya sa tono ng pananalita nito.

He chuckled sarcastically. "Funny, you said an entirely different thing a few minutes ago when my mouth and hands were all over you."

Tumingkad ang pamumula ng mga pisngi nito. "It's a mistake. Akala ko kay Jon itong kuwarto!"

Para siyang sinapok. Si Jonathan ang hinihintay nito? Para sa best friend niya iyong nadatnan niyang anyo nito kanina sa kama?

"It was," sa halip ay parang wala lang na sagot niya. "Kaso umalis na siya dahil kailangan daw sa trabaho." Lalong nagtagis ang mga bagang niya dahil sa ngitngit, pero hindi niya gustong ipahalata iyon sa babae. "Hmm... it seems to me na hindi ka pa nahalikan ni Jon kung ganyang hindi mo kayang i-differentiate ang halik niya sa halik ng ibang lalaki."

Nerd in Distress (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon