Chapter 6

586 25 0
                                    


"Ready?" tanong ni Brandon sa kanya matapos siya nitong ipagbukas ng pinto ng kotse. Nakaparada na sila sa tapat ng simbahan kung saan naghihintay ang kanilang mga kaibigan. Binyag ng anak ni Jane nang araw na iyon.

Natatawang tumango siya. Noon pa niya napapansin ang kakaibang enthusiasm nito kapag napag-uusapan ang tungkol araw na ito. Hindi niya alam kung bakit parang excited na excited itong makita ang mga kaklase nila dati.

"Ako, hindi pa. Wait, I need to recharge." Eksaktong nakatayo na siya sa tapat ng pinto nang inabot nito ang batok niya at masuyo siyang hinagkan sa noo at labi.

"Oh, my God!" tili ng isang pamilyar na tinig.

Naitulak niya ang binata at bumaling sa pinanggalingan ng narinig niyang narinig niyang boses. Namimilog ang mga mata ni Catherine habang tutop ng dalawang kamay nito ang bibig.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Lalo na nang yumakap sa baywang niya ang isang braso ni Brandon at akayin na siya palakad.

"Hi, Cat! Kumusta?" bati nito.

"Oh, my God! Totoo ba 'yung nakita ko?" Pinaglipat nito ang paningin sa kanilang dalawa.

"Absolutely," nakangiting sagot ng katabi. Idinikit pa nito ang mukha sa buhok niya.

"Aw, shucks!" kinikilig na saad ng babae. "Bakit ba hindi ko naisip ito? Bagay na bagay kayo! He looks so smitten, and Nikki, you're blooming!"

Lalo siyang namula. "Thanks. Ikaw din, bagay sa 'yo ang suot mo. 'Andiyan na ba sila?" pag-iiba niya ng usapan.

"Mostly. Tara, pasok na tayo. Magsisimula na ang misa in ten minutes," aya nito.

"You go ahead. Susunod ako, may nakalimutan lang ako sa kotse." Pinisil muna ni Brandon ang baywang niya bago siya binitawan. Bumalik ito sa sasakyan habang sila ni Catherine ay nilakad na ang pathway patungo sa entrance ng simbahan.

"OMG, ang cute ninyo talaga together! Hindi pa rin ako makapaniwala," anang kaibigan. "Ikaw, ha! Marami ka nang sinesekreto sa akin ngayon. Sabihin mo nga sa akin, Nikola, nagka-develop-an ba kayo sa ride pauwi galing Baras?"

"Medyo," sabi na lang niya para matapos na ang usapan.

"No, no, no..." Iwinagayway nito ang isang daliri sa tapat ng mukha niya. "I'm not settling for something as... as vague as that. I demand details!"

Pinaikot niya ang bilog ng mga mata. "Okay, Your Highness, we'll talk later."

Humagikgik ito at niyakap siya. "I'm really so happy for you, Niks! Best of luck sa inyong dalawa."

Mahigpit niya rin itong niyakap. She felt sadness flowing like a flashflood inside her heart at the thought that this could be the last hug she'd ever get from her best friend.

"Ang sweet n'yo naman," anang isang pamilyar na tinig.

Sabay silang napalingon sa direksyon niyon.

"Jonathan!" tuwang bulalas niya.

Sinalubong siya nito ng mabilis na yakap at kaagad siyang inilayo para matitigan. "Wow, ang ganda natin ngayon, ah!" komento nito na ikinainit ng mga pisngi niya.

Simpleng dress na kulay murang asul ang suot niya at simple lang din ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Hindi niya alam kung bakit ganoon ito maka-react.

"Ganyan talaga side effects ng love life," sagot ni Catherine.

Nangunot ang noo ng binata at naging seryoso. "May boyfriend ka na? Three weeks pa lang mula noong huli tayong nagkita, ah."

Nerd in Distress (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon