Seven hours ago...
"Ah, yes, like that, Nikola." Huminga nang malalim si Nikki habang tinitigan sa mga mata ang repleksyon sa salamin sa loob ng kanyang kotse. "A lot of people on earth with fifty points less IQ had done this and succeeded. You were named after a brilliant scientist! You graduated cum laude, accelerated twice and you're one of the best in the field of software development. Goodness gracious, you're brilliant! You can do this!" peptalk niya sa sarili.
Nakakatawa kung malalaman ng iba na ang dahilan ng anxiety attack niya ay ang pakikipagkita sa kanyang mga high school classmates for the first time.
Napakalayo nito sa nakasanayan niya. Ang pinakamalapit sa salitang 'excitement' na matatawag sa buhay niya ay iyong achievement kapag may bago siyang naiaayos na computer. 'Challenge' na iyong may nagagawa siyang bagong software. 'Adventure' na kapag sira o coding ang kanyang kotse at kailangan niyang mag-commute during rush hour papasok o pauwi mula sa opisina.
Crowds had always made her anxious and nervous. Pero kailangan niyang gawin ito; kahit ngayon lang.
Matapos ang isa pang hugot ng malalim na hininga, lumabas siya ng ladies' room at tinungo ang reception's desk. Magtatanong pa lang sana siya kung saan ang cottage na naka-reserve sa pangalan ng kanyang kaklase nang may tumili mula sa kanan niya.
"Nikola!"
Bago pa siya nakahuma, yakap na siya ni Catherine at bahagyang iniangat pa sa lupa.
"OMG, you're really here!" tarang nito nang bitawan siya at titigan.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Sorry, may banggaan sa highway kaya ngayon lang ako dumating," paliwanag niya.
"Oh, it's nothing. Ang importante, hindi mo kami inindyan gaya ng ginawa mo the past years." Lalong lumalim ang pamumula niya pero hindi na iyon napansin ng kaibigang may hatak sa kanya. "Tara, kanina ka pa hinihintay nina Jane."
"Ang ganda naman dito," puna niya sa mga nadaanang Filipino-zen decoration ng walkway patungo sa isang malaking villa.
"Siyempre dapat bongga, triple celebration yata ito," ani Catherine. Birthday ng asawa nitong si Noel na classmate din nila noon, bukod pa sa reunion nila at Christmas party na rin kahit unang linggo pa lang ng Disyembre.
Nasa hilltop ang resort na iyon at nakaharap sa lawa. Sa kanyang kanan ay nadaanan nila ang isang infinity pool. Parang ang lapit nila sa kalikasan dahil sa maraming puno sa palibot.
"Buti na lang talaga, nag-decide kang sumama ngayon. Mas masaya ako siyempre ngayong taon."
Pumasok sila sa isang two-storey villa.
"Guys! Look kung sino'ng napulot ko sa lobby!" anunsyo ni Catherine.
Naghalu-halo ang tilian, tawa at tuksuhan nang makita siya ng mga kaklase. Complete attendance yata ang graduate students ng Batch 2003 ng Timagong Science High School Section A roon.
"Nikki!" Sa isang iglap, nakakulong na siya sa mga bisig ni Jane. Bineso siya nito bago binitawan. "Ang sexy mo!" puna nito nang sipatin siya.
"Right, hindi ka na mukhang babaeng version ni Einstein," sagot ni Margaret. Ang layo na nito sa may vital statistics na 32-24-36 noong high school, pero dahil hindi siya kasing-prangka nito, hindi iyon nasabi ni Nikki. In the first place, never silang naging close ng babae.
Siya ang class nerd noong high school at outcast parati. Sina Catherine at Jane lamang ang talagang kaibigan niya noon. Iyon din ang dahilan kaya hindi siya nag-a-attend noong nakaraang reunions ng mga ito. Alam niya kasing maiilang lang siya kapag kinausap siya ng iba, at siya ngang nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
Nerd in Distress (Published)
RomanceShe had her glasses on-and nothing else. Ganoon ang hitsura ni Nikki sa mga panaginip ni Brandon Duque at kasalanan iyon ng isang gabing nagkamali ito ng kuwartong napasukan. Imbis na ang kanyang kaibigan, siya ang tinangka nitong akitin... Na wala...