Chapter 3

695 23 0
                                    

Nasiguro ni Nikki na iyong schoolmate nga niyang nakasama niya last weekend sa isang resort sa Baras, Rizal ang kailangan niyang pakiusapan—at hindi kung sinong kapangalan lang nito.

Pero hindi na niya kayang umatras. Nakakahiya iyon dahil siya ang nag-volunteer na tumulong, bukod pa sa alam niyang ikalulungkot iyon ni Tiya Roni. Pero hindi pa rin siya makapaniwala na mismong si Brandon C. Duque ang anak ng namayapang singer. Dito siya mismo maninikluhod?

"Kaya mo 'yan, Nikola," peptalk niya sa sarili. "Basta 'wag kang kabahan. Be confident, isipin mo si Tito Edward at 'wag kang paapekto sa buwisit na 'yun. Kung puwede, 'wag kang titingin masyado sa mukha niya." Napalunok siya dahil alam niyang imposible iyong huli.

Shucks! Inis na napapadyak siya. Malamang na maalala niya lahat ng nangyari noong Sabado ng gabi oras na ngisihan siya ng linsyak na iyon.

But again, walang ibang pagpipilian. Kailangan niya itong gawin.

Kinakabahang nag-inhale exhale muna siya bago lumabas ng kanyang kotse palapit sa entrance ng DukeBox, ang business ni Brandon. Sa nakikita, inisip niya kung bakit walang connection sa music ang piniling maging negosyo ng anak ng dating queen balladeer.

Gayunpaman, kahit hindi bata ay maaaliw na pumasok at maglaro sa store na iyon. Lahat yata ng klase ng laruan—pambabae man o panlalaki, mula pangsanggol hanggang isip-batang adults—ay naroroon na. Sandaling nalimutan niya ang mga iniisip dahil sa mangha sa mga nakita. Specific na nagustuhan niya ang higanteng replica ng Gladiator arena. Kasalukuyan niyang tinitigan ang isang life-size statue ni Oliver Queen sa TV series na Arrow nang may humaplos sa buhok niya.

Sapo ang dibdib na napalingon siya. "Ano ka ba! Ba't ka ba nanggugulat!"

"Hmm..." Brandon's smile had always been one of his assets. Pero ngayong nanunukso ang klase ng ngiti nito at parang mas makinang ang mga mata, kaya mas gumuwapo. "Tinitingnan mo ba kung nahuhubad ang vest ni Green Arrow?"

Naramdaman niyang nag-init ang kanyang mga pisngi, pero nagpanggap pa ring parang wala lang iyon. "As a matter of fact, yes. Sobrang detailed kasi. Gusto ko lang malaman kung pati 'yung tattoos niya't mga pilat, eh, nakopya rin."

"Of course. At 'yung washboard abs niya rin." Kumikislap ang mischief sa mga mata nito at nakakahawa ang pagkakangiti, hindi niya tuloy napigilan ang sariling mapagaya.

"Oo na, oo na! Kasali na 'yung abs," aniyang napaikot ang mga mata.

"Well, kung gusto mong makakita ng abs, puwede kitang isama sa office ko." Namilog ang mga matang hinampas niya ito sa balikat. Napatawang hinapit siya nito sa baywang. "Oy, 'wag kang madumi ang isip. Mayroon akong collection ng action figures d'un, may ilang shirtless like Khal Drogo, Wolverine pati si King Leonidas."

Wala siyang nasabi dahil nawalan na yata ng kakayahan ang utak niyang mag-process ng impormasyon dahil sa lapit nito sa kanya at sa init ng titig. The scent of his skin, the masculinity that seemed to ooze from his pores, the heat his body—those things overwhelmed her senses.

Napansin yata ng binata ang pagkatulala niya dahil ngumisi ito nang malandi. "Hi. Na-miss kita, ah. Nagpalit ka ba ng number?"

Nag-init ang kanyang mga pisngi pagkaalala sa di niya pagpansin sa ilang tawag at text messages nito sa kanya. "I'm sorry."

Ngumisi lang ito. "Not acceptable. You owe me a date. Tara, I am meeting someone in around," niyuko nito ang wristwatch, "twelve minutes." Inakay na siya nito patungo sa kung saang panig ng store.

Nawala ang atensyon niya sa sinasabi nito nang may makita sa isang sulok. "Wow, may bookstore!" Kumawala siya mula sa hawak ng binata at nilapitan ang isang mataas na shelf na puno ng Harry Potter, Percy Jackson, at Chronicles of Narnia books.

Nerd in Distress (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon