Chapter 8

1.2K 37 2
                                    


"Sasabihin mo ba sa kanya?" pukaw ni Jon sa nagliliwaliw na naman niyang isip.

Nilingon niya ang binata. Ang laki ng naitulong nito sa kanya. Bukod sa palagiang pagka-counsel nito sa kanya para magkalakas-loob siyang magpa-mammography muli, ini-refer din siya nito sa mahusay na doktor na kakilala nito.

Kahit wala itong binanggit na pangalan, alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

Ibinalik niya ang tingin sa hawak na result ng mammography; Category 1 na iyon. Negative, meaning benign ang cyst niya.

Napabuntong-hininga si Nikki. "Kailangan pa ba?"

"Iyan ang puno't dulo ng lahat, di ba?"

Tama ito. Kung hindi sa bukol sa dibdib niyang pinaghinalaang cancer, hindi siya magkakalakas-loob na um-attend ng high school reunion at magkakamaling pasukin ang silid ni Brandon, sa pag-aakalang naroon si Jon. Hindi siya pagnanasaan ng una to the point na siya ang hihingin nitong kapalit sa pagpayag na gawing stage play ang buhay ng ina nito. Hindi magkakasama, hindi niya makikilala ang tunay na Brandon Duque, hindi siya ma-i-in love.

"Sayang naman," anang kausap.

Kumibit-balikat siya. Nanghihinayang din siya, sa totoo lang. Sigurado na siya sa sarili niyang mahal na niya si Brandon at ilang gabi na siyang hindi nakakatulog dahil sa sobrang miss niya rito. Lahat na lang ng bagay na makita niya ay nagpapaalala sa kanya kay Brandon. Dumagdag pa roon ang araw-araw yata nitong pagpunta sa bahay at opisina niya, pagtawag sa telepono at pagpapadala ng mensahe at regalo. He was apologizing for the things he said.

Lumamlam ang mga mata niya kasabay ng panlulumo. "Baka kasi simple lang'yung feelings niya sa akin. He's possessive of me, lusted after me, pero malayo naman 'yun sa pagmamahal. Di ba nga, he doesn't do love."

Her friend chuckled. "I beg to disagree. I know him like the back of my hand, Nikki. He loves you. Maaaring hanggang ngayon ay hindi niya pa iyon na-re-realize, pero alam ko na n'un pa lang nagpakilala siyang boyfriend mo. He had never been like this with anyone he dated. Alam ko, mahal ka niya. Nakita ko 'yun sa mga mata niya."

Nag-init ang kanyang mga mata. Natatakot siyang maniwala sa mga naririnig niya. Natatakot siyang umasa.

"Isa pa, hindi pa nangyaring mas mahal ni Bran ang isang babae kaysa sa akin. Akalain ko ba, itinakwil talaga niya ang ilang taon naming pagkakaibigan dahil sa 'yo."

Napangiti na rin siya sa biro nito. "Hamak na mas maganda naman kasi ako sa 'yo."

"Ang chaka ang taste niya. Puwes, wiz ko rin siya type!" anito na nagbakla-baklaan, dahilan upang matawa siya.

"Ang panget, hindi bagay!" aniya.

"Tara na nga, baka may makakita pa sa akin, akalaing nabading na nga ako. Baka matuwa pa 'yung mga fans ng bromance namin ni Bran." Ini-start na nito ang makina ng kotse at nagmaniobra palabas ng parking lot ng ospital. "But seriously, dapat mag-usap na kayo. Nanghihinayang talaga ako sa inyo."

"Siya naman ang may kasalanan."

"Payagan mo na kasing kausapin ka niya. Kawawa naman, natatakot lang siya na baka agawin kita."

"Makitid ang utak niya kaya bahala siya sa mali niyang interpretation sa nakita niya. Nagyayakapan lang, may relasyon na agad-agad?"

Ngumiti si Jon at nilingon siya. "You know the truth, Nikki."

Nag-init ang mga pisngi niya. Nabanggit na nito noon na binalak nitong manligaw sa kanya, pero nagpaubaya lang kay Brandon.

"Basta!" singhal niya. "Mahirapan muna siya."

Nerd in Distress (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon