Hindi ako takot subukan ulit
pero takot akong masaktan sa parehong dahilan.
Huwag mo akong tanungin
Bigyan mo ako ng sagot.
Hindi ako tumatanggap ng bulaklak.
Bigyan mo ako ng kandila,
at sabay nating paglamayan
ang ating nakaraan.
Huwag mo ako hayaang lumuha sa puntod
Sabayan mo akong tumawa.
Hindi mo ako kailangang alalayan
Hindi mo kailangang maging malakas para sa akin
ayoko nang mapagpanggap
Kung mamahalin mo ako,
maging mahina ka.
at gusto ko'ng ako ang dahilan
ng kahinaan mo
Hindi mo kailangan ng mahabang mensahe
at paulit-ulit na salitang mahal kita.
ayoko nang basahin
pagod na ang aking mata
na makita ang parehong salitang
Masarap pero masakit.
Huwag mo ako sabihan ng
"mahal kita"
pero sabihin mo'ng
"Huwag mo na akong pag alalahanin ulit"
Ayoko'ng ituring mo ako'ng prinsesa
na ikukulong mo lamang sa iyong kaharian
gusto ko'ng maging parte ng iyong kawal
Dahil ayoko'ng nagpapahinga
habang nakikipaglaban ka.
Huwag mo ako'ng hayaan magpahinga
sabay tayong lalaban.
Ayoko'ng gamutin mo
ang aking sugat o punasan ang aking luha
hayaan mo akong umiyak
at manatili sa tabi ko
hanggang sa ako ay maghilom.
Hindi kita hahayaang
buhatin o pasanin ako
Gusto ko'y
alalayan natin ang isa't-isa.
pero 'pag sinabi kong hayaan mo akong mapag-isa
o hayaan mo akong magpakaligaw sa mundo,
huwag mo akong paniwalaan.
dahil ang nais ko talagang sabihin
ay gusto kong mapag-isa kasama ka
at magpakaligaw sa mundong hindi tayo kilala.
Hahayaan nating maging
estranghero tayo sa kanila,
Pero hindi natin hahayaang maging
estranghero tayo sa isa't isa.
Hindi natin babaguhin ang katapusan
para sa magandang istorya,
kundi babaguhin natin ang istorya
para sa magandang katapusan.
Hindi ako takot subukan ulit,
pero takot akong masaktan sa parehong dahilan.
Huwag mo akong tanungin.
bigyan mo ako ng kasagutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/144064423-288-k990003.jpg)
YOU ARE READING
EROS-ALGOS-LOGOS
Poetry"when you left i didn't bleed but my ink does. thank you for turning this lover into a writer." ----- This is a collection of words and poetry. I'm using the daily splice collage of Adam Hale. All credits to this wonderful artist.