Muli kitang nakita
Sa pagitan ng araw at gabi
At nabatid ko saiyong mga mata
Na ayaw mo nang bumalikNais ko'ng muli'ng ipaglaban ka
Ngunit hindi na maisasalba
Ang pagmamahal at pangako mo
Na ako nalamang ang nakakaalala.Muli kitang nakita
Sa pagitan ng pagtuloy at paghinto.
Balisa,at lito sa katanungan
Kung dapat ba ako'ng palayain
O ilabanMahal-
Sa pagpapaalam ng gabi
At pag bati ng umaga
Muli mo sana ako'ng makilala
Bilang dati'ng kabiyak ng iyong puso'ng
Inalay na ngayon sa ibaSana, hindi kalamang sa hating gabi nagiging totoo at
Nakakaalala sa tuwing mag isa't hindi alam ang nadarama
Dahil ang gabi sa aki'y makirot at masakit,
Dahil sa tuwing gabi'y naghahanap ang puso ng kalinga.
At hindi ko kakayanin ang muli mo'ng pagpapalaya
Dahi pinili ko ang makulong
Saiyong bisig.
Kahit pa ako nalamang ang natitirang umiibig.Muli kita'ng nakita
Sa pagitan ng araw at gabi
At nais kitang sagipin
Ngunit hindi sapat ang aking hininga
Upang malunod muli sa panandaliang
Pag-ibig at saya.Sa muli nating pagkikita,
Mahal,
Sa bukang liwayway
Kung saan nag aagaw ang liwanang at dilim.
Patatahimikin ko ang pagtibok ng pusoIpipikit narin ang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/144064423-288-k990003.jpg)
YOU ARE READING
EROS-ALGOS-LOGOS
Poetry"when you left i didn't bleed but my ink does. thank you for turning this lover into a writer." ----- This is a collection of words and poetry. I'm using the daily splice collage of Adam Hale. All credits to this wonderful artist.