Hayaan mo akong lumaya
Sa mahabang panahon kong pagkakakulong.
Hayaan mo akong sumigaw
Mula sa matagal kong hikbi't bulongHayaan mo akong bumitaw
Sa kamay na iyong iginapos
Hayaan mo akong sumigaw
Hanggang sa ako'y mapaos.Hayaan mo akong mangulimlim
Mula sa mapagpanggap na kinang
Hayaan mong magtakipsilim
Hayaan mo ako sa ginaw.Sa ginaw ng paligid hayaan mo ako
Sa lamig ng Gabi hayaan mo ako
Sa Hindi paglitaw ng araw hayaan mo ako.
Hayaan mo'ng maupos at maging abo.Ngayon hahayaan kitang gawing niyebe Ang ulan.
Hayaan mo Naman ako'ng lunurin ng luha Ang unan.
Hahayaan kitang nakawin Ang sandali.
Hayaan mo Naman ako'ng putulin Ang Tali.Na nagdurugtong sa ating dalawa.
Hindi Tama Hindi Mali pero panahon na ng paglaya.Mula sa iyong bisig na patuloy na sumasakal
Sa puso ko'ng lumalamig habang tumatagal.Hayaan mo ako'ng maghilom ng dahan dahan.
Alam Kong masaya kana.
Kaya PAALAM...
YOU ARE READING
EROS-ALGOS-LOGOS
Poesia"when you left i didn't bleed but my ink does. thank you for turning this lover into a writer." ----- This is a collection of words and poetry. I'm using the daily splice collage of Adam Hale. All credits to this wonderful artist.