para sa taong hindi ko pa kilala

8 0 0
                                    

Matagal na akong sumusulat ng tula para saiyo.
Pero hindi kita kilala.
Nais kitang masilayan bago pumikit ang aking mga mata.
Dahil ang oras may katapusan.
Hindi ako habang buhay makapagsusulat ng mga kataga.
At hindi rin ako habang buhay mananatili sa mundo.

Nasaan ka?
Wag mong bilisan ang paglakad.
Dahil baka sa maling direksyon ka mapunta
Nandito ako sa dulo.
Nag aabang sa pagkatok mo sa aking pintuan.

Pero kung sakaling hindi ka dumating bago magtakipsilim
Maghihintay parin ako.
Dadalihin ko na ang lampara.
Ang kumot at unan.
Kung sakaling hindi kapa makakarating.
Ayos lang, magdadala ako ng kape
Magdadala ako ng balabal.
At kung hindi kaparin makakarating bago pa pumuti ang aking buhok
Ayos lang kukulayan ko muli ng itim ang bawat hibla,
Maglalagay ako ng kolorete sa muka.
Para maabutan mo naman akong maganda kahit na sa isang saglit lang.

At kung hindi kapa dumarating bago ako dalawin ng panghabangbuhay na himbing,
Ayos lang.
Dahil nagawa kong magsulat ng maraming tula para saiyo
Ayos lang dahil nagawa ko ito ng mag isa
Ayos lang kasi nagawa kong maghintay
Ayos lang kasi nagawa kong hintayin ka.
Kahit pa alam kong naghihintay ako sa taong hindi ko pa nakikilala.

EROS-ALGOS-LOGOSWhere stories live. Discover now