AKO NALANG ULIT

3 0 0
                                    

Nagmamakaawa na muli mo'ng makita ang aking halaga
Ipapaalala kung paano kita nagawang mahalin sa araw araw sa loob ng maraming taon
Sa pagkakataon na binigay ng tadhana, wala ako'ng sasayangin
At sasabihin saiyo na Mahal na mahal kita

Mahal, ako nalang ulit

Kahit bumitaw ka, patuloy kitang ipaglalaban
Sa walang hanggan nating ipinangako sa isa't isa, hindi ko kalilimutan ang ala-ala
Ang pag asa na muli ka'ng darating dala ang parehong mga ngiti,
Nagbabakasakali na hindi ka ulit tatalikod

Nakakapagod-nakakalunglungkot
Nababalot ng takot at paiko't ikot ang isipan
Sa salitang itutuloy o ititigil
Pinipigil ang nga luha na tumulo
Nagtatanong kung lalaban ba o susuko

Dahil ang puso kapag pagod
Ay nawawalan ng pag-asang makipagtunggali sa tadhana
At ngayo'y Ipinaparaya ang taong matagal ko na'ng hiniling kay bathala

Maging sa tala na nakasaksi ng aki'ng laban
Dahan-dahan ka'ng hinihila pabalik sa kalaban
At ilalaban ka sa huling hingina
mahal ngayo'y ipapanalo kita.

Magpapahinga sa pagsambit
ng nais sabihin subalit
Ihahayag ko na sana sa huling saglit

Sana.
Mahal
Ako nalang ulit



EROS-ALGOS-LOGOSWhere stories live. Discover now