Itong kwento na ito ay hindi makatotohanang kwento ang lugar, bagay at mga pangyayari. Ang kwento na ito ay gawa gawa lamang ng malikhaing pagiisip ni Author. Maraming salamat sa pagbabasa ng aking kwento. Happpy Reading!!
Chapter1-Welcome Adrienne
"HAHAHAHH"
"Huhuhu Si Allan kasi ehh..''
''Hmmm..Sabi ko nga..''
"Sorry talaga..Break na tayo..''
"Lagot siya sakin bukas!!!''
''Weehh?? Gusto ako nun?? Di nga??''
Mga ingay na aking naririnig dito sa coffee shop na aking pinagtatrabahuan, mga ingay na kahit nasa malayo sila ay rinig na rinig ko, mga ingay ng mga taong may ibat ibang pinagdadaanan at emosyon na ibinibigay.
''Adrienne!!! Tutunganga ka nanaman??!!"
Galit na sigaw ni Madam Bebang. Siya ang nagmamayari sa maliit na coffee shop na aking pinagtatatrabahuan.Hindi ko na ito sinagot dahil kinuha ko na agad ang order ng isang babae na nakaupo malapit sa pintuan ng coffee shop at i-sinerve ito.
''Adrienne''Mahinang sambit ng babae na ikinagulat ko pero hindi ko iyon ipinahalata, lumingon siya sa akin na kanina lamang ay nakatuon ang atensyon sa labas at kanina pa pinagmamasdab ang mga sasakyan sa labas.
''Adrienne, tama ba??'' Tanong niya at tumango lamang ako.
''Alam kong hindi ka normal na tao...'' seryosong saad neto na ikanalaki ng aking mga mata. Pano niya nalaman???
''Malakas ang dating ng iyong kapangyarihan'' dagdag neto habang diretsong nakatingin saakin na halos di na kumukurap.
''Paan-"
''Kagaya mo rin ako, hindi ka nagiisa. Kaya huwag kang matakot sakin, alam ko ang nararamdaman mo at tutulungan kita"
Binigay niya saakin ang calling card niya at nagpaalam na.
Sa tingin ko ay malaking tulong ito...
---
Nang magsisirado na ang coffee shop ay dali dali akong nagbihis upang makauwi na. Gabi na kaya kaylangan kong umuwi ng maaga dahil masyadong delikado sa labas tuwing gabi, nagaaral ako sa Layor Academy, 4rth year na ako at Nagtatrabaho sa isang coffee shop.Tuwing uwian galing sa school ay dumediretso na ako sa coffee shop upang magtrabaho, wala na akong mga magulang kaya't ako nalang ang bumubuhay sa aking sarili. Wala rin akong naaalalang may mga kamag-anak ako kaya kaylangan kong magtrabaho. Nang maisarado na namin ang coffee shop ay nagpaalam na kami sa isa't isa.Wala rin akong kaybigan dahil natatakot na ako..
Mas mabuting wala na kaysa makapanakit pa ako..
Naglalakad lang ako pauwi dahil masyadong mahal ang pamasahe at malapit lang rin naman ang bahay ko..Habang naglalakad ako ay may napansin akong anino mula saaking likod.
Isa lang ang ibigsabihin nun...
Mabilis pa sa alas kwatrong humarap ako sakanila at sinipa kaagad ang perlas niya.
YOU ARE READING
Adrienne:The ExtraOrdinary
FantasíaA woman looking for peace and ordinary life .. But deliberately played the fate.. She was frightened by fear and anger on her own .. That she had to go to somewhere where she would learn to control what she had... In the place where she will meet li...