Prologue
Napakasarap mangarap. Iyong tipong naiisip mo ang mga magagandang bagay na maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Iyong iisipin mo ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Masaya, sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi alintana ang mga negatibong bagay sa paligid mo, kundi lagi ka lang positibo sa lahat ng bagay.
Isipin mong,
Sa bawat LUHA,
May NGITI.
Sa bawat KALUNGKUTAN,
Darating ang SAYA.
Sabi nga,
"Life is what we make it."
Tayo lang naman ang nagpapakomplikado nito, dahil sa pag iisip ng mga bagay na negatibo, negatibo din ang nangyayari.
Kaya ako?
Patuloy lang sa pangangarap. Umiyak na ako, naku, napakaraming beses na. Pero heto parin ako oh, nakangiti, masaya . Nangangarap, na balang araw, makakamit ko ang lahat ng mga pangarap ko. Positive lang diba? Malay natin nasa tabi lang pala natin ang pangarap na 'yun. Hindi lang natin makita, dahil masyado tayong abala sa mga di natin nakamit, kaya nagpapaikut-ikot pa tayo para lang sa mga pangarap na 'yun. Nagmumukha tuloy tayong bulag. Nangangapa.
Pero kahit ano pa man,
There's "no coincidence", dahil kung para sayo ang isang bagay, sayo talaga yun. Hindi nagkakataon lang.
-Jessie Alian De Guzman
BINABASA MO ANG
No Coincidence
General FictionIsang pamilyang pinaglayo ng tadhana. Matagpuan kaya nila ang nawawalang parte ng kanilang buhay? o patuloy na mamumuhay sa kasinungalingang dulot ng kasakiman at pag-ibig?