Chapter 4-Sudden Sadness

49 3 1
                                    

Jessie's POV

On the way ako ngayon sa JPI para ibigay ang contract. Konting push nalang at magiging part na rin ako ng isa sa pinakakilalang kompanya dito sa Pilipinas.

Nang makarating sa building ay agad kong tinungo ang office ni Tita Bella. Nakita ko si Ms.Irene at kumaway ako, tumango naman siya.

At home na at home ako no? haha.

Kumatok ako ng tatlong beses saka pinihit ang knob  ng pinto.

"Good morning po" bati ko kay Tita Bella.

"Oh hija, good morning. Mabuti naman at nakabalik ka agad." bati din sakin saka nakipagbeso.

"Hehe. Ito na po yung contract tita, kumpleto na po iyan." sabi ko.

"Okay, I'll just give you the copy kapag ayos na, and by the way, welcome to the JPI family Jessie." nakangiting saad ni tita Bella at saka ako niyakap.

....

Bella's POV

May kamukha ang batang ito...

iyan ang lagi kong naiisip kapag nakikita ko si Jessie. Para kasing nakakahawig niya si Ian.

Matagal tagal ko na ring kilala ang batang ito. Laging ikinikwento sa akin ni Jael, ang anak ko. Lagi niyang sinasabi na paborito raw niyang asarin itong si Jessie sa school. Natatawa na lamang ako kapag nagkukuwento siya. Para naman kasi silang aso't pusa, at walang araw na hindi siya nabanggit sa akin ni Jael. Ipinakita sa akin ni Jael ang larawan ni Jessie at iminungkahi na gawin ko raw model dahil sa scholar ang bata, at nangangailangan ng raket. Nakakatuwang isiin na sa murang edad ay gusto niya na agad makatulong sa magulang. Kaya naman sinunod ko ang mungkahi at mukha namang hindi ako nagkamali.

Ipapa-notary nalang naman itong kontrata at ayos na.

Jessie's POV

Pagkakatapos ko sa office ni Tita Bella ay umalis na agad ako.

Pero nakakapagtaka lang kasi. Si Jael ma masingit, yung taong walang ginawa kundi asarin at awayin ako, ay ang dahilan kung bakit ako napili ng mommy niya na maging modelo ng kompanya nila? Ano kayang masamang hangin ang nalanghap noon at naisipang gawin ito? Pero hindi naman iyon gagawa ng bagay na walang kapalit, demonyito iyon eh. Mas mabuti nang mapaghandaan ko kung ano man ang kapalit nito. Aba, sa buhay ngayon, walang bagay ang libre.

Nagtataka marahil kayo kung bakit ako rumaraket eh gayong nakapag aral naman ako sa school ng mayayaman, ganto kasi iyon, scholar ako kaya walang ginagastos sina mama at papa sa pag aaral ko. Ayos diba? Hindi naman kami mayaman, sakto lang. Gusto ko naman kasi makatulong, kaya ito raket raket din pag may time.

*beep*

1 Message received.

[Mama]

"Anak, pumunta ka sa ospital malapit sa atin ngayon din. Isinugod ang papa mo. Inatake na naman siya!"

Nagtext si Mama, si Papa, isinugod sa ospital? At bakit na naman? Ngayon lang naman siya isinugod sa ospital ah?

hay nako ewan ko!

Nagmadali na akong pumunta sa ospital, naabutan ko si Mama na nakaupo habang umiiyak, kaya wala na akong sinayang na panahon at agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Mama ano po ba ang nangyari? Bakit inatake si Papa? Bakit sabi niyo na naman? May dapat po ba akong malaman?"

tanong ko kay mama, naiiyak na rin ako. Kasi naman, ang saya saya pa namin kanina, tapos ito?

"Anak, *huk* matagal nang may sakit ang papa mo, *huk* " sabi ni mama habang naiyak.

Matagal na? Pero bakit ngayon ko lang nalaman?!

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!" naiinis ako, nagagalit ako, bakit kailangan nilang itago sa akin to?! Sana nagawan ko ng paraan. Sana hindi umabot sa ganito.

hindi ko alam, bakit biglang lungkot naman?

"Anak, patawarin mo kami kung hindi namin agad nasabi sa iyo. Ayaw ka lang kasi naming mag alala. Gusto lang namin ng Papa mo na wala ka nang iisipin kundi ang pag aaral mo. Mahal na mahal ka namin anak. Stage 4... *huk* stage 4 na ang colon cancer ng papa mo. Kaya lagi siyang sinasaktan ng tiyan. Nalaman lang namin ito kung kailan malala na. Pinipilit lang niyang maging maayos at masigla sa harapan mo. Patawarin mo sana kami ng papa mo. "

ito ang sinabi ni Mama sa akin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong irereact ko. Bakit ba umabot ito sa ganito.

Patuloy lang ako sa pag iyak nang lumabas ang doctor. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Sino pong kamag anak ng pasyente?" sabi ng doctor sa malumanay na tono.

"Kami po, kamusta na po ang asawa ko doc?" tanong ni Mama sa doktor.

"Ihinihingi ko po ng paumanhin, pero nagawa na namin abg lahat ng aming makakaya, pero.." sabi ng doctor.

Parang ayoko na marinig pa ang sunod niyang sasabihin.

Humigpit ang pagkakahawak ni Mama sa kamay ko. Kinakabahan ako.

"pero, wala na po siya."

"pero, wala na po siya."

"pero, wala na po siya."

"pero, wala na po siya."

and that were the words that broke my heart.

Hindi pupwede. Hindi!

"No! Hindi totoo yan! Buhay ang papa ko! Gagaling siya! Buhay ng papa ko!!!" halos awayin ko na ang doctor. Hindi...

hindi pwedeng mawala si Papa, hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Ayaw na tumigil ng pag iyak ko. Ganoon rin si Mama.

Bakit? Bakit nangyari ito? Ang saya saya pa namin kanina ah?

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na model na ako, gayong wala na ang isang taong gusto kong kasama sa pagsecelebrate nito. Bakit naman ang unfair ng buhay? Ni hindi ko man lamang nagawan ng paraan. Hindi man lamang ako nakatulong para gumaling siya.

Bakit naman kasi nila itinago sa akin? Kaya ko naman eh. Isang pamilya kami diba? Lulutas ng problema nang magkakasama. Pero bakit ganito?

"Papa..."

iyan nalang ang huli kong nasabi, dahil namanghid na ang buo kong katawan and everything went black.

*****

A/N:

hello!

I'm back!

Sorry po sa lame update. Sana naman po magparamdam kayo by voting or commenting. Gaganahan akong magsulat kapag ganun!

Thanks sa loyal kong reader! Zyana Allison!

Vote. Comment. Be a Fan.

-Mikee

No CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon