Chapter 6- Looking Good Together

64 3 0
                                    

Chapter 6- Good Together

"KUYA IAN?!?!?!?"

Napasigaw ako sa sobrang gulat, excitement, halo halo na. Grabe, hindi ko akalain, nasa harap ko na si Ian Garcia, na minsan ko nang sinabi sa kaniya na sana makita ko siya sa personal. And here he is, right in front of me. Smiling, with a bit of surprise written on his face.

"Oh it is you! My Instagram friend! Yung anak anakan namin ng bestfriend ko. Hi there!" Sabi ni Kuya Ian while coming closer to me.

Oh my golly wow!!!  Nakatunganga lang ako sa kaniya. Paano ba naman, nagulat talaga ako. Bago pa man pasukan ng langaw ang bunganga ko ay dumating na si Tita Bella.

"I guess you two meet already. Nga pala Jessie, ito ang Tito Ian mo, childhood friend ko siya. " sabi ni Tita Bella.

"At ikaw naman si Jessie Alian na lagi akong kinukulit sa instagram, si Alice na bestfriend ko, ay idol mo. Am i right?" Bati nito sa akin na nakangiti.

"WOW." Yan lang ang nasabi ko.

"Aren't you gonna hug me? Nagkita na tayo sa wakas." Sabi ni Kuya Ian.

Ngumiti ako saka lumapit sa kaniya para yakapin siya.

"Welcome home Kuya Ian"

"It is good to be back." Sabi nito saka ako pinakawalan ng yakap.

Grabe talaga, magkakaibigan pala sina Tita Bella, Ms.A at Kuya Ian, so it means close nga sila. So it also means na dahil kaclose ko na rin sila, malaki ang possibility na mameet ko na si Idol in person? Grabe nakakatuwa ito. Bawing bawi.

"Jessie, siya yung sinasabi ko sayo na ipapakilala ko sayo, nahuli kasi kita minsan na nakatingin sa Instagram ni Ian. Saktong nalaman kong pauwi na siya dito, so I asked him to drop by." Saad ni Tita Bella, mukhang close na close talaga sila.

"And hindi ako magtatagal rito, 'cause i miss my bestfriend so much. Gonna surprise Alice at her movie shoot today. Wanna come Jessie?" Saad ni Kuya ian. Isasama daw ako oh!

"Talaga kuya??Isasama mo ako?" Tanong ko na parang batang napangakuan magJollibee

"Yes of course, nang maipakilala kita sa nanay mo." Biro ni kuya Ian. Haha, ang kulit lang eh.

Pero habang nag uusap kami ni Kuya Ian, may napansin ako kay Tita Bella, the way she looks at him. The hurt on her eyes kapag nababanggit ang name ni Ms.Alice, di kaya?

"Jessie let's go?" Aya sakin ni Kuya Ian na nasa may pintuan na pala. Di ko namalayan na natulala na pala ako katititig kay Tita Bella. Kakahiya tuloy. =___=

Nagbeso muna ako kay Tita Bella bago umalis.

Yehey!!! Makikita ko na din ng personal si Idol!!! Taping naman yun diba? Di naman date, kaya pwede ako makigulo dun! Haha.

"Kuya Thanks ha? Kahit ngayon lang tayo nagkita ang bait mo sakin." Sabi ko kay Kuya Ian habang nasa elevator kami.

"Alam mo nakakatuwa ka kasi, you seem don't care about what people think of you, magmukha ka mang baliw katulad kanina, ang cute mo pa rin. Haha! Mana ka nga sa akin." Biro nito sa akin. So kinacareer talaga namin ang pagiging mag-ama no? Haha. Ayos lang. Super fine with me, since gwapo naman ang tatay tatayan ko. Haha. Ang tanong, makiride kaya si Idol???

"I'm so flattered, haha, " sabi ko sabay kunwaring paypay ng kamay.

"Haha! Alam mo naaalala ko talaga sayo si Alice, ang kulit kulit kasi noong bata pa kami, well hanggang ngayon naman."  Sabi niya saka ako inakbayan habang papalabas kami ng building. May mga bumabati sa aming mga staffs.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon