Chapter 5- Resemblance
Sa unang gabi ng burol ni papa ay dumating sina Tita Bella kasama si Jael. Gabi gabi ay may staff ng kumpanya silang ipinapadala para alalayan kami, napakabait nga nila sa akin. Ramdam ko ang pakikiramay nila kahit na babago pa lamang ako sa kumpanya.
Isang linggo na mahigit ang nakalipas mula noong mailibing si papa. At narito ako ngayon sa JPI para sa unang project namin ni Jael.
"Oh ano, ayos ka na ba? Ang pangit mo pala kapag umiiyak no? " bungad nito sa akin nang makita akong nakaupos malapit sa dressing room.
At talaga namang kapangitan ko ang sasabihin niya, gwapo ba siya? Yuck lang. Akala ko bumait na eh, hindi pala. Hay nako.
"Excuse me, mas pangit ka ha? Ikaw na yata ang pinakapangit na nilalang na nakilala ko buong buhay ko. Pero dahil may kabutihan ka namang ginawa kahit saglit, Jael sungit, salamat ha? Salamat sa tulong nyo sa amin."
"Sus! Mabait talaga ako no, at aanhin ko ba ang napakarami kong pera kung hindi ako matututong tumulong sa isang dukhang katulad mo? At, alam mo na, gwapo" sagot nito sa akin sabay pogi sign. Ha! Ang kapal talaga.
Nakita niyo na? Ganiyan siya, napaka insultador. Mula noong naging kaklase ko siya, ganiyan na iyan. Ako lang naman ang hindi takot sa kaniya eh, at ako daw yung kauna unahang taong lumaban kay Jael Enriquez, aba, hindi naman ako basta basta lang nagpapabully. Alam ko ang mga karapatan ko sa buhay.
"Ang kapal Jael ha? Ilang semento ba ang itinapal mo jan sa mukha mo para kumapal ng ganiyan? Sa sobrang kapal eh baku baku na eh. " bawi ko naman sa kaniya. Huh! Akala niya ha.
"Nagpapasalamat ka ba o nang iinsulto?" Sabi niya sakin.
"Pwedeng both?" Sabi ko sabay tawa at alis sa harapan niya. Aba, kahit naman nagluluksa parin ako, hindi ko naman nakakalimutang tumawa at mang asar no.
"Jael! Jessie! First set na! Ready na in 5 minutes." Sabi ng stage director namin. Siguro close sila ni Jael, kasi normally, kahit sino pa yang staff, kahit na mataas pa ang posisyon sa trabaho, laging may "sir" kapag kausap si Jael. Pero itong isa, wala.
"Mama Gen, okay po." Sagot ni Jael na nasa likod ko na pala. At himala! May "po" siya ngayon. Close nga yata sila.
Gen, short for Generoso, hahahaha! Akala niyo babae no? Hindi. Bading siya, at sobrang taray, pero kasundo siya ni Jael, hmmm, sugar daddy? Hahahahahaha!
So ayun, nag umpisa na ang photo shoot. Kami pala ang cover ng November issue ng magazine ng kumpanya. At doon ipapakilala sa readers na may napiling bagong napiling model ang JPI, which is ako.
Daming emote no? Humahaba tuloy ang hair ko.
Lunch break na namin kaya napagdesisyunan kong pumunta sa katapat na coffee shop. Dahil hindi ko trip kumain ng kanin, brazo de mercedes nalang na cake at isang hersheys kisses frappe lang ang inorder ko. I love sweets!
Habang iniintay ang order ko ay nakiconnect nalang ako sa wifi ng shop. Instagram: @jessiealian, titingnan ko muna ang IG ni idol. For inspiration. Haha! Fangirl eh. Nakita ko ang isang post ni Ms.A na nakashades and sideview, aba, meron din ako nito! Haha! Screenshot ko nalang. Madami kasi nagsasabi na kahawig ko raw si idol pati si Kuya Ian na bestfriend niya. Kaya naghanap din ako ng picture ni kuya Ian na nakashades and sideview din. Icocollage ko ito some other time.
Biglang nagvibrate ang phone ko,
"Jael Sungit calling..."
Hmm. Bakit naman natawag itong sungit na to?
"Hello? Bakit? Miss mo na agad ako?" Tudyo ko sa kaniya.
[In your dreams, nasaan ka ba? We're off to Batangas, beach scene. Where are you? I'll pick you up.] Pagsusungit ni Jael sa akin.

BINABASA MO ANG
No Coincidence
General FictionIsang pamilyang pinaglayo ng tadhana. Matagpuan kaya nila ang nawawalang parte ng kanilang buhay? o patuloy na mamumuhay sa kasinungalingang dulot ng kasakiman at pag-ibig?