Third person's POV
Isang sikat na model na si Alice noon. At nagsisimula na rin siya sa larangan ng pag arte sa telebisyon. Mayroon siyang kaibigan, si Ian, isang kababata na lagi niyang kasama. Kahit na nag-aartista na si Alice ay hindi naman iyon nakapagpahikayat kay Ian na gumaya na rin ditto.
Nagkaroon ng isang movie si Alice na may title na, "Regrets" kung saan umabot ng ilang milyon sa unang araw pa lamang kaya nagkaroon ng selebrasyon sa bahay ng dalaga. Naroon rin si Ian, sa ngalan na bestfriend siya ni Alice, ay siya ang nagsilbing escort nito sa gabing iyon.
Puno ng naglalakihang ppangalan ang party na iyon. Busy lahat ng tao sa kaniya-kaniyang business. Samantalang sina Alice at Ian naman ay nagsasaya sa may pool, kaso biglang naitulak ni Bella si Alice, dahilan ng pagkakahulog ng huli sa pool. Si Bella ay isa ring kababata ng dalawa, naroon rin siya sa party dahil magkakaibigan ang mga magulang nilang tatlo. Matapos makaahon sap pool si Alicce ay nagpalit muna ito saka bumalik sa mga kaibigan at nakipag inuman na rin. Habang lumalalim ang gabi ay nakaramdam ng pagkalasing ang dalaga, ganoon din naman si Ian. Nakatulugan na ni Alice ang kaibigan habang nakaupo sila sa sofa ng bahay ng dalaga. Marami parin ang tao sa labas ng bahay. Mansyon kasi ito, kaya sa halip na hotel ay ditto na lamang ginanap ang salu-salo. Nang mapansin ni Ian na di n naimik ang kaibigan ay binuhat niya ito papunta sa kwarto nito. Kahit pagewang gewang na din ang lakad ay tuloy pparin ito sa paglalakad, kabisado na ni Ian ang bahay dahil lagi naman siyang napunta dito simula pa pagkabata, at minsan ay nakikitulog pa. Nang makarating sa kwarto ng kababata ay sinuutan niya ito ng t-shirt para hindi ginawin sa suot na dress nito. Pero habang tinititigan niya ang natutulog na kaibigan, ay pparang may bumubulong at nag uudyok sa kaniya na halikan ito. Lingid sa kaalaman ng ibang tao, at ni Alice, ay matagal nang minamahal ni Ian ang kaibigan. Ito ang dahilan kung bakit kahit anong gawin ng dalaga ay suportado niya ito, at kung bakit hindi siya nanliligaw ng kahit sinumang babae. Kung tutuusin, gwapo naman siya at matalino, madaming babae ang nagkakandarappa sa kaniya, pero tanging nakay Alice lamang ang atensyon niya.
Hindi na napigilan pa ni Ian ang nadarama, dala na rin siguro ito ng espiritu ng alak, pero bago pa man niya mahalikan ang kaibigan ay nagmulat ito ng mata, saka ngumiti at sinambit ang pangalan niya. And the next thing he knew, they were sharing an intimate moment together.
Nagising si Ian sa tabi ng kaibigan. Wala man lang maalala sa kung anong nangyari. Pero, ano yung halik? Yan ang tanong niya sa sarili. Bakit pakiramdam niya may nangyari na di niya maipaliwanag. Para kasing totoo ang nasa panaginip niya, that moment that they shared with each other. Pero bago pa man siya magpanic o kunga numan ay tiningnan niya muna ang suot nialng dalawa ng bestfriend niya. Nakasuot naman siya ng boxer shorts, at si Alice naman ay naka shirt na at underwear na paborito nitong get up sa tuwing matutulog. So naisip niya na panaginip lang iyon. Lahat ng iyon ay inakala niyang panaginip. Kaya bumangon siya at hinalikan ang noo ng kaibigan, kaibigang matagal na niyang minamahal ng higit pa sa nararapat.
Lumabas si Ian ng kwarto ni Alice na hindi napansin ang bakas ng dugo sa kumot ng dalaga. Palibhasa ay kulay pula ang kobre kama ng dalaga at puti naman ang kumot nito ay hindi talaga mapapansin ang dugo.
Nagising si Alice na may kakaibang sakit sa may puson at inisipp na dala lamang ng pag inom niya kagabi at dismenoriya na sakit na nararamdaman ng babae kapag buwanang dalaw na nito, dahil lagi niya naman itong nararamdaman. Kaya ipinagpawalang bahala niya nalang ito at iniinom ng gamut. Saktong sabado noong araw na iyon at araw ng pagpapalit ng lahat ng kobre kama at kurtina ng mansion.
Sa kabilang banda naman ay inis na inis na naman si Bella dahil hindi niya mapaghiwalay sina Ian at Alice. Matagal na kasi siyang may gusto kay Ian pero naaagaw ni Alice ang atensyon ni Ian. Lahat ng atensyon ng binata ay inilalaan nito sa bestfriend na si Alice. Kaya naman si Bella ay ginagawa ang lahat mapansin lamang ni Ian, pero halata naman sa binata na wala talaga siyang interes rito dahil ang mahalaga dito ay si Alice.
BINABASA MO ANG
No Coincidence
General FictionIsang pamilyang pinaglayo ng tadhana. Matagpuan kaya nila ang nawawalang parte ng kanilang buhay? o patuloy na mamumuhay sa kasinungalingang dulot ng kasakiman at pag-ibig?