1: Strange feeling
• - •
"Rei! Tara may papakita kami sayo."
"Anong meron?" Lumapit ako sa kanila at pinaupo nila sa harapan ng computer.
"Here! Take a look at this!"
"Ang cute!" Isang picture ng super cute na puppy. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Beagle.
Nanlaki ang mga mata ko at napatili nang biglang may lumabas na nakakatakot sa screen. Isang white lady na duguan at papalapit ng papalapit! Sa takot ko ay natumba pa ako sa upuan at saka tumakbo palabas ng kwarto ni Cai. Oh my god! Ayaw mawala sa isip ko yung white lady!
"Oh Rei, bakit ka umiiyak?"
"Y-yung white l-lady."
"Tinakot ka na naman ba nila? Come here." Niyakap niya ko pero hindi pa rin talaga maalis sa utak ko yung itsura ng white lady.
"Hahaha! You okay, Rei?"
"Dapat pala kinuhanan ko ng video!"
"Ohmegee! You're so cute talaga Rei! Hahaha!"
"Hoy magsitigil nga kayo. Tinakot niyo na naman si Rei!"
"Aba aba! Hoy! Ikaw din tigilan mo na 'yan! Nananantsing ka na." Sabi ni Cai sabay hila sakin palayo.
Ganyan talaga sila. Tinatakot ako lagi kasi ako lang ang nag-iisang takot na takot sa multo sa aming magkakaibigan. Nakakatakot naman kasi talaga ang mga itsura nila.
Napatigil kaming lahat nang biglang tumunog ang telepono. Bilang ako ang pinaka malapit ay ako na ang sumagot kundi magtuturuan na naman sila panigurado.
"Hello?"
[ Ms. Reiley Kianne Lim? ]
"Yes po? Speaking."
[ This is Jen Acosta from Park Academy. I just want to inform you together with Ms. Cairy Faye Ashton, Mr. Liam Art Montes, Ms. Queen Princess Verde, and Ms. France Kim that you passed the examination. You're invited to come tomorrow to fill up the forms. Kindly inform the others. Thank you. ]
"P-po?"
Naputol na ang linya at hindi pa rin nag-si-sink in sakin ang mga sinabi niya. Bukod sa ang bilis niya magsalita ay parang hindi rin kapani-paniwala.
Teka sandali.. totoo ba ang mga narinig ko? Talaga bang nakapasa na kami?
"Oh Reiley. Sino ba yung tumawag at natulala ka na dyan?" Saad ni France.
"Taga Park Academy."
"Talaga? Anong sabi?" Tinignan ko muna sila na halatang hindi na makapaghintay.
"We passed." Mahinang sagot ko.
"What?"
"I said.." huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy, "..we passed!"
YOU ARE READING
Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]
RomanceFollow the story of a girl who's afraid of ghosts but eventually fell in love with him. Is it really possible to fall in love with an spiritual being? ∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞ Date started : April 4, 2018 Date finished : ----