5: Third time
• - •
REILEY'S POV
Huwag kang pipikit, Reiley. Hindi pwedeng matulog at nandito pa si Mr. Santos. Mamaya nalang. Please...
Waaaahh! Hindi ko na kaya!
Napapikit na ako at muntik na rin akong masubsob sa lamesa kung hindi lang ako natamaan ng pambura sa ulo.
"Reiley! Umayos ka nga!" Pasigaw na bulong ni France.
Kinurot ko ang magkabilang pisngi ko para mawala ang antok ko. Baka mamaya niyan libro naman ang lumipad papunta sakin. Hay. Ayokong magkabukol nang hindi oras.
"Since you all know what musical notation is, I want you to write your favorite song using the system of notation. Then, put the score too. The score is the written version of a piece of music. That's what we discussed awhile ago. Pass it in my office when you're done. Just put it on my table. After that you may go. Am I clear?"
"Yes sir."
"I'll be going now. We have an important meeting with Mrs. Park. You can stay here inside the music room or you can go to the garden or library to do your works. Just make sure to pass those until the end of class hours, understood?" Pagkatapos ay umalis na siya.
Akala ko pa naman wala nang gagawin. Matutulog lang sana ako ngayon hanggang sa mag-uwian. Aish!
Wait! Alam ko na!
Niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo pero pinigilan ako ni France.
"Reiley. Saan ka pupunta?"
"Sa library."
"You will sleep doon 'no?" Napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi ni Queen.
"Ha? H-hindi ah! Nakalimutan ko na kasi yung paggawa ng musical notation kaya maghahanap lang ako ng references hehe." Tumungo ako nang tignan ako ng masama ni France.
"Hintayin ka nalang namin sa parking lot mamaya." Singit naman ni Liam.
"Anong hintayin? Hindi! Reiley, dito ka lang para mabantayan kita. Baka mamaya matutulog ka lang doon sa library."
"F-france---"
"Sige na, Rei. Ako na ang bahala dito." Sabay kindat niya sakin.
Thank you, Liam! Saviour talaga kita!
"Sige! Kita nalang tayo mamaya!" Kumaway ako sa kanila saka tumakbo palabas ng room. Bago pa man ako makalabas ay narinig ko pa ang reklamo ni France.
Mabuti nalang talaga at nandoon si Liam kung hindi baka hindi ako makakapunta sa library tapos makakatikim pa ako ng pitik sa noo mula kay France. Hays.
Saan nga pala ulit ang library dito? OMG! Nakalimutan ko na kung saan.
Huminto ako sa gitna ng school grounds at nilibot ang mata ko sa paligid. Saan na nga ulit yun? Galing ako sa building C sa kanan kung nasaan yung mga music rooms. Yung building naman sa kaliwa sa pagkakatanda ko ay doon ang cafeteria, gymnasium at garden. Ito namang nasa harapan ko, ang pinakamalaki sa kanila, ang bldg. A, ay kung nasaan yung mga office tapos---oo tama! Naalala ko na! Dito sa gitna.
Pagkapasok ko sa building ay nadatnan ko si Mr. Santos na nakaupo sa lobby.
"Hi, sir!"
"Oh, Miss Lim. Why are you here?"
"I'm going to the library, sir." Nakangiting sagot ko.
"I see. Do your best."
"Thank you, sir!" Nag-bow ako sa kanya bago umalis.
YOU ARE READING
Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]
RomantizmFollow the story of a girl who's afraid of ghosts but eventually fell in love with him. Is it really possible to fall in love with an spiritual being? ∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞ Date started : April 4, 2018 Date finished : ----