7: Star
• - •
REILEY'S POV
"Tandaan mo ang mga itinuro ko sayo ha? Sige pwede ka nang umalis. Class dismiss." Talagang kinareer niya ang pagtuturo at may pa class dismiss pa talaga.
Lumipad na paalis yung ibon kaya bumaba na rin siya at lumapit sakin.
"Pwede na ba akong maging teacher?"
"Alisin mo muna yang nasa ulo mo dahil nakaka-distract." Natatawang sagot ko.
Baliw nga talaga 'tong multo na 'to. Hinawakan yung ipot sa ulo niya kaya ayan dumikit na sa kamay niya.
"Maghugas ka kaya!"
"Okay. Tara samahan mo ko." Akmang hahawakan niya ko pero lumayo kaagad ako sa kanya. Eww may ipot kaya yung kamay niya!
"Pfft! Fine. Hindi kita hahawakan pero ipapahiram mo sakin yung panyo mo."
"WHAT?! NO! AYOKO!" Tumawa lang siya sa reaksyon ko.
Panyo ko talaga? Hindi pwedeee! Favorite hanky ko pa naman 'to na may mga star na design. Hindi ko nga lang alam kung saan galing 'to. May nagbigay yata sa akin pero hindi ko na matandaan. Basta favorite ko 'to.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko pero nawala rin kaagad. Sino kaya 'to… si France? And OMG! Ang daming missed calls at texts. Mostly galing kay France at Cairy.
SMS from France:
'Rei, where are you?'
'Pumunta ka na dito 30mins. bago magsimula ang klase. Understood?'
'Nasaan ka na?'
'Reiley.'
'Hindi ka pwedeng umabsent!'
'15mins. nalang. Bumalik ka na dito!'
'Reiley Kianne Lim!'SMS from Cairy:
'Nasaan ka?'
'Hoy babae! Sagutin mo yung tawag!'
'Saan ka ba nagsususuot ha?'
'Babatukan kita ng pagkalakas-lakas kapag hindi mo pa ito sinagot!'
'REILEY!!'Anong oras na ba?
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang oras. Ten minutes nalang magsisimula na ang klase! Mukhang malayo pa naman ito sa academy.
"Shocks! Late na ko!"
"Aalis ka na? Sige ingat."
Tatakbo na sana ako pero... "T-teka sandali… hatid mo ko. Please? Hindi ko alam kung paano bumalik sa academy."
"Okay. Hawakan mo muna ang kamay ko." Nakangising sabi niya sabay lahad ng palad niya sakin. At talagang yung kamay pa niya na may ipot ng ibon.
"Ayoko nga!"
"Madali akong kausap. Sige umalis ka na. Maligaw ka sana." Talaga naman!

YOU ARE READING
Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]
RomanceFollow the story of a girl who's afraid of ghosts but eventually fell in love with him. Is it really possible to fall in love with an spiritual being? ∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞ Date started : April 4, 2018 Date finished : ----