Chapter 4

40 3 0
                                    

4: Curse

-

REILEY'S POV

"Hooo! Sa wakas!" Pabagsak akong humiga sa kama ko.

Grabe! Feeling ko natanggal na ang mga paa ko. Sila Cairy at Queen kasi naisipang maglakad simula sa academy pauwi ng bahay. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nila at nag-ayang maglakad. Halos dalawang oras din kaming naglakad nang walang pahinga. Kaya ngayon sobrang pagod na pagod ako. Hay.

Halos kalahating oras akong nakahilata lang sa kama ko habang nakatulala sa kisame. Hindi pa ako nakakapagbihis at nakakapag-ayos ng mga gamit dahil parang na-glue na ang likod ko sa kama at hindi ako makatayo.

Ilang sandali pa ay may narinig akong kumakatok sa pinto.

"Reiley?" Si Liam. Gustuhin ko mang tumayo para pagbuksan siya ng pinto pero parang hinahatak lang ako pabalik ng kama. Ganito pala ang epekto sakin ng mahaba-habang lakaran.

"Pasok!" Sabi ko na lang nang hindi man lang gumagalaw kahit kaunti sa pwesto ko.

Narinig ko naman ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto ko kaya alam kong pumasok na siya.

"Oh Rei, bakit hindi ka pa nagpapalit?"

"Mamaya na."

"Ngayon na. Natuyuan ka na ng pawis niyan. Sige na, Reiley."

Minsan talaga parang tatay ko 'tong si Liam kung manermon. Daig pa nga yata niya si France.

Lumingon ako sa kanya na nakatingin lang ng seryoso sakin. Hay! No choice. Ayoko pa sanang bumangon eh huhu.

Pumunta na ako sa banyo at nagbihis. Nakita ko namang inaayos ni Liam ang mga sapatos ko na nakakalat. Pinulot niya din ang bag ko na nasa sahig at ipinatong niya sa study table. Napakamot nalang ako sa ulo ko habang tinitignan siyang ayusin ang mga gamit ko. Ibinagsak ko lang kanina ang bag ko sa hindi ko alam kung saan. Nakakahiya naman. Siya pa ang nagliligpit.

"Liam, dapat hinayaan mo nalang na ako ang mag-ayos." Sabay upo ko sa gilid ng kama.

"It's fine, Rei. Palagi ko naman 'tong ginagawa." Nakangiting sagot niya sakin.

Sumimangot lang ako sa sinabi niya. Tama. Palagi niya 'tong ginagawa. Siya ang nag-aayos ng mga gamit ko. Kapag makalat dito sa kwarto ko, siya ang nagliligpit at naglilinis. Kapag aawatin ko naman siya ayaw niya. Ayos lang naman daw sa kanya atsaka wala rin naman daw siyang magawa. Hiyang-hiya na nga ako eh.

Nagulat naman ako nang abutan niya ako ng isang baso ng gatas.

"Here. Drink this." Tinanggap ko naman kaagad ito.

"Salamat, Liam!"

Ang sarap talaga ng gatas lalo na kapag pagod ka. Simula noong bata palang ako ito na ang palagi kong hinahanap at iniinom kapag napagod ako. Iniisip ko kasi na mas lalakas ako at mapapawi ang pagod ko tuwing umiinom ako ng gatas. Effective naman siya para sakin.

"Mukhang napagod ka talaga sa paglalakad kanina."

"Sila Cairy at Queen kasi. Hindi ko alam kung anong nakain nila at nag-ayang maglakad pauwi. Medyo malayo pa naman ang academy mula dito."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Speaking of Cairy and Queen…"

"What about them?"

Tumabi naman siya sakin at lumapit. Pagkatapos ay pinunasan niya ang ibabaw ng labi ko. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din naman siya. Kahit kailan talaga ang sweet ni Liam.

Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now