Chapter 8

44 3 0
                                    

8: Showcase

• - •

REILEY'S POV

"Are you okay, Rei?"

"Ohmegee! You look bangag, Reiley! What happened ba?"

"Hindi ka ba natulog?"

Hindi ko sila sinagot at isinubsob nalang ang ulo ko sa lamesa. Dahil sa kakaisip ko sa nangyari kagabi, hindi tuloy ako nakatulog. As in wala talaga akong tulog.

Kapag naaalala ko ang nangyari bumibilis ang tibok ng puso ko. Yakap lang naman yun at palagi naman niya akong nginingitian pero bakit iba yata ang epekto sakin kagabi? Teka, baka naman dahil malamig siya? Ramdam na ramdam ko ang lamig niya nung niyakap niya ko. Oo, tama. Baka dahil lang doon. Aaahh! Nababaliw na ko kakaisip!

"Kianne."

"Ay baliw!"

Napatigil ang mga kasama ko at tumingin sakin. Nandito pala kami sa cafeteria dahil masyado pang maaga. Ewan ko ba kung anong nakain namin pare-pareho at pumasok ng sobrang aga. Dapat natutulog pa ako ngayon lalo na't wala akong tulog kagabi.

"Problema mo, Reiley?"

"Mukhang may natamaan." Pagpaparinig ni Liam.

"Aba! Hoy! Liam Art Montes! Baka gusto mong makatikim ng malakas na batok. Yung tipong matatanggal na yang ulo mo!"

"Natamaan nga." Dagdag pa ni Liam.

"Matatamaan ka talaga saking lalaki ka!"

"Tumigil na nga kayo!" Saway ni France sa kanilang dalawa ni Cairy.

"Hahahahahaha! Nakakatawa talaga yung mga kaibigan mo!" Natatawang sabi ni Star na napaupo na sa tabi ko at nakahawak pa sa tiyan.

Pinanood ko lang siyang tumawa sa tabi ko. Never ko na-imagine na may ganito kakulit na multo. Sa mga napapanood ko kasi mga seryoso sila pero kakaiba 'tong lalaking multo na 'to.

"REILEY!"

"Ay multo!" Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa gulat. "Cairy! Bakit ka ba sumisigaw?"

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag! Tara na sa room!"

Kanina pa? Masyado bang napalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko sila narinig?

"Mamaya mo nalang ako titigan. Magkikita pa naman tayo." Sabay kindat pa niya. Sasagot pa sana ako pero tinawag na rin ako ni Queen.

"Come on na, Rei. What are you still doing pa ba there?"

"Ah w-wala naman."

Nilingon ko si Star na prente pa ring nakaupo doon sa table namin kanina. Ngumiti lang siya at kumaway sakin.

He's really... different.

• - •

"Yow!"

"Good morning."

"Hi Harvey and Lance!" Bati ni Queen sa kanila. Umupo naman sila sa tabi ko.

"Have you guys heard about the Inter Musical Competition?" Tanong ni Lance.

"IMC? Oo naman! Lagi namin yun inaabangan 'no!"

"Pumupunta pa kami sa Ark Coliseum para manood." Dagdag pa ni France sa sinabi ni Cairy.

Yun talaga ang pinaka inaabangan naming event ng Park Academy. Ginaganap ang IMC sa Ark Coliseum na katabi lang nitong academy. Pwedeng manood kahit mga taga labas basta may ticket. Magkano ang isang ticket? 800 lang naman. Oo. LANG! Hindi naman kami ang nagbabayad dahil laging libre ni Liam hahahaha.

Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now